Saturday, July 8, 2023

CPP/Ang Bayan: 2 armadong aksyon, inilunsad ng BHB-Abra

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Jul 7, 2023): 2 armadong aksyon, inilunsad ng BHB-Abra (2 armed actions, launched by NPA-Abra)
 





July 07, 2023

INILUNSAD NG MGA yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dalawang armadong aksyon sa bayan ng Sallapadan, Abra noong huling linggo ng Hunyo. Ang pag-atake ay laban sa nag-ooperasyong tropa ng 24th at 102nd IB sa naturang bayan.

Unang inatake ng mga Pulang mandirigma ang nag-ooperasyong yunit ng 24th IB sa Sityo Mangmangga, Barangay Naguilian noong Hunyo 26. Isang sundalo ang napatay sa naturang opensiba. Sinundan ito ng pagharas ng BHB-Abra sa tropa ng 102nd IB sa Barangay Bazar noong Hunyo 28. Dalawang sundalo ang nasugatan sa opensiba.

Sa Negros Occidental, pinaralisa ng BHB-South Central Negros noong Hunyo 14 ang dalawang backhoe sa Sityo Bulod, Barangay Carabalan, Himamaylan City. Ginagamit ang naturang mga backhoe sa konstruksyon ng Himamaylan-Tayasan Road na magbibigay-daan sa malalaking kumpanyang mina na gustong pumasok sa kabundukan ng Cansermon, Tahod-Ilahas, Cambantog at kalapit na mga lugar.

Ang dalawang backhoe na pag-aari ng ESJ construction firm ng mga Javelosa at mga Gensulin ay nagkakahalaga ng ₱7.5 milyon. Walang nasaktan na trabahador ng kumpanya sa operasyong ito.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/07/07/2-armadong-aksyon-inilunsad-ng-bhb-abra/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.