Wednesday, March 8, 2023

Kalinaw News: Engkwentro sa pagitan ng 9IB at NPA naganap sa Capalonga, Camarines Norte

From Kalinaw News (Mar 6, 2023): Engkwentro sa pagitan ng 9IB at NPA naganap sa Capalonga, Camarines Norte (Encounter between 9IB and NPA occurred in Capalonga, Camarines Norte)



STA. ELENA, Camarines Norte—Kasundaluhan ng 9th Infantry (SANDIGAN) Battalion naka-engkwentro ang di bababa sa 15 New People’s Army (NPA) Terrorist sa Boundary ng Brgy. Lucbanan at Villa Aurora, Capalonga, Camarines Norte nito lamang ika-3 ng Marso 2023.Dahil sa patuloy na operasyong isinasagawa ng 9IB ay muling naka-engkwentro nila ang mga miyembro ng NPA. Bandang 11 ng umaga nang mamataan nila ang mga armadong NPA terrorist at agad nagkapalitan ng putok na tumagal ng mahigit 15 minuto.

Wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng kasundaluhan habang di tiyak sa hanay ng NPA na tumakbo sa iba’t-ibang direksyon. Nakuha naman sa pinagyarihan ng engkwentro ang mga kagamitang pampasabog tulad ng dalawang (2) landmines, 25-meter wires, mga bala ng Cal.45, subersibong dokumento at iba pang personal na gamit na makakatulong sa mga susunod pang operasyon.Nagbigay naman ng mensahe si LTC CLETO R LELINA JR INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 9IB, ayon sa kanya,

“Kaya aming panawagan sa mga natitira pang NPA na magbalik-loob na lamang kayo dahil mas paiigtingin pa namin ang pagsasagawa ng mga operasyon sa buong Camarines Norte. Hindi namin hahayaang madamay pa ang mga inosenteng sibilyan dahil sa mga ilegal na dala ninyong pampasabog na kung minsan ay inyo pang ibinabaon sa lupa upang itago, isipin ninyo ang nakaambang panganib nito. Sa mga residente naman po, tulungan n’yo po kami, dahil sa pamamagitan po ng inyong pakiisa ay mas mapapadali nating masugpo ang insurhensiya”.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/engkwentro-sa-pagitan-ng-9ib-at-npa-naganap-sa-capalonga-camarines-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.