March 21, 2023
Pangkat-pangkat ng Kabataang Makabayan (KM) sa Northeastern Mindanao Region ang nagpinta ng mga panawagan sa higit 15 bayan ng Surigao del Sur at Agusan del Sur sa nagdaang mga linggo. Pinuno nila ang mga dingding at kalsada ng mga katagang “NPA 54”, “Viva CPP-NPA-NDF” at “Sampa sa NPA.”
Bahagi ang aktibidad sa “operasyong pinta at operasyong dikit” o OP-OD ng KM bilang paggunita at paghahanda sa darating na ika-54 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).
Bago ang mismong aktibidad, nagtipon ang mga kasapi ng KM sa rehiyon para magpulong at magplano at itakda ang sistema, moda at koordinasyon ng aktibidad. Matapos tukuyin ang mga lugar na sasaklawin ng aktibidad, pinaghatian ng mga balangay ang mga baryo at bayan.
Nagbuo sila ng 2-3 ka taong tim para sa pagpinta at dikit. Mayroon namang mga tim na itinalaga para magrekorida at sarbey. Tiniyak ng mga ito ang seguridad ng mga lugar kung saan isasagawa ang operasyong pinta-dikit.
Puno ng sigasig ang mga kabataang naglunsad ng aktibidad. “Sa una ay kinabahan kami pero sa kabila nito ay mayroong pananabik din dahil sa magiging ambag namin sa darating na anibersaryo,” ayon sa isang kabataang lumahok. “Mas na-excite kami sa susunod na mga tungkulin na pamamahagi ng mga polyeto at postering.”
“Natutuwa kami sa aming naging ambag sa pagdiriwang ng anibersaryo ng BHB. Maliit man ito, mahalaga pa rin sa propaganda para sa pagsulong ng pakikibaka,” ayon pa sa isang lumahok.
Isang kasapi ng KM ang nagpahayag ng kapasyahang magpultaym sa BHB matapos ang aktibidad. Nangako naman ang iba na susunod na rin sa darating na mga panahon.
Naging tampok ang OP/OD bilang porma sa propaganda noong panahon ng diktadurang US-Marcos. Inilulunsad ito ng mga aktibista para ihayag ang kanilang paninindigan sa mga isyu at pagkundena sa bulok na naghaharing sistema habang umiiwas na madakip o mahuli ng pasistang tropa ng diktadura. Naging malaganap ang OP-OD, mga peryodikit, mga poster na may iba’t-ibang laki sa mga pader, tambayan, sa loob ng mga bus at dyip at iba pang lugar.
KM sa Southern Tagalog
Hindi maikakaila na binubuo ng kabataan, edad 18 hanggang 35, ang mayorya ng mga Pulang mandirigma. Binibigyan nila ng kakaibang sigla at bentahe ang hukbo ng mamamayan. Patunay sila sa lalim ng ugat ng hukbo at rebolusyon sa masa.
Bago magpultaym, marami sa kanila ay dumaan sa pagiging kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) sa kani-kanilang lugar. Kabilang sa kanila sina Ka Arnold at Ka Mabolo, kabataang mandirigma sa isang larangan sa Southern Tagalog (ST).
Napagtanto niya na wala gaanong kaiba sa sitwasyon noon at ngayon. “Kitang-kita ang malubhang kalagayaan ng kabataan, lalo noong panahon ng pandemya,” aniya. Kaya nang imbitahan siyang sumali sa KM, agad niya itong tinanggap.
“Astig!” ang reaksyon ni Ka Mabolo, isang kabataan sa kalunsuran, ang imbitahan siya sa KM. “Mukhang exciting, at makasaysayan pa!” Aniya, manghang-mangha siya noon nang ipaliwanag sa kanya na ang KM ang isa sa pinakauna at pinakamalaking nagsulong ng kilusang masa laban sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr, ama ng kasalukuyang presidente.
Di nagtagal, nagpasyang buong-panahong kumilos sa hukbong bayan ang dalawa.
“Tulad ng pagkamulat ko sa KM, ganun din ang proseso ng pagpasya kong sumapi sa hukbong bayan,” salaysay ni Ka Arnold. “Nang mapag-aralan at makita ko kung gaano kahalaga ang armadong pakikibaka, unti-unti kong napapagtanto na walang ibang patutunguhan ang lahat ng ating daan kundi papunta sa kanayunan.”
“Isang napakalaking hamon sa mga kabataan ang pagsapi sa Hukbo, pero marami na ring mga kabataang gaya natin ang nauna nang nagpanday ng ating tatahaking daan,” aniya.
“Sabi nga ni Ka Joma, ang pinakamahuhusay na kabataan ay siyang iniluluwal ng pakikibaka!”
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/03/21/ambag-ng-kabataan-sa-anibersaryo-ng-bhb/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.