Tuesday, March 21, 2023

CPP/Ang Bayan: Bagong tayong detatsment sa Negros Oriental, pinasabugan ng BHB

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Mar 21, 2023): Bagong tayong detatsment sa Negros Oriental, pinasabugan ng BHB (New detachment in Negros Oriental, blown up by the NPA






March 21, 2023

Pinasabugan ng dalawang rifle grenade ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang detatsment ng 62nd IB sa Barangay Malangsa sa Vallehermoso, Negros Oriental noong Marso 15. Dalawang sundalo ng 62nd IB ang napatay habang dalawa pa ang nasugatan.

Ayon sa yunit ng BHB, inirereklamo ng mga residente ang naka-istasyong tropa ng 62nd IB sa naturang barangay. Iniulat ng mga residente ng Barangay Malangsa ang iba’t ibang paglabag sa karapatang-tao kabilang ang sapilitan pagpapatrabaho sa kanila ng mga sundalo, at walang batayang pag-aakusa at pilit pagpapasuko na diumano’y “suporter” ng hukbong bayan.

Sa Canlaon City, binulabog ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Central Negros ang nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB sa Sityo Batang-batangan, Barangay Bucalan noong Marso 6. Isa ang napatay at isa ang nasugatang sundalo sa operasyong harasment.

Sa Camarines Sur, kambal na operasyong harasment ang inilunsad ng mga yunit BHB-West Camarines Sur noong Pebrero 28 laban sa dalawang detatsment ng militar sa bayan ng Ragay. Unang pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ang detatsment sa Barangay Baya na sinundan ng pag-atake sa detatsment sa Barangay Patalunan.

Samantala, dalawang tropa ng Special Action Force (SAF) ng pulis ang napatay sa aktibong depensa ng BHB-Mindoro laban sa isang kolum ng nag-ooperasyong yunit ng 10th SAF Battalion at 203rd Brigade sa Sityo Naksib, Barangay Sta Cruz, Bongabong, Oriental Mindoro noong Marso 15. Walang kaswalti sa hanay ng mga Pulang mandirigma na ligtas na nakaatras matapos ang limang minutong sagupaan.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://philippinerevolution.nu/2023/03/21/bagong-tayong-detatsment-sa-negros-oriental-pinasabugan-ng-bhb/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.