March 21, 2023
Noong Oktubre 7, 2022, 14 na armas ang nasamsam ng mga Pulang mandirigma matapos salakayin at lubusang gapiin ang mga sundalo ng 52nd IB at mga pulis na nagkakampo sa Barangay Dorillo, Jipapad, Eastern Samar.
Matagal nang inirereklamo ng mga residente ang presensya ng mga sundalo at pulis sa ilalim ng Retooled Community Support Program (RCSP). Kabilang sa kanilang mga paglabag ang pagkakampo sa mismong barangay hall at walang-habas na pagpapaputok ng baril. Kaya naman buong lugod na sinuportahan ng masa ang paglulunsad ng taktikal na opensiba.
Itinaon ng mga Pulang mandirigma ang reyd sa pista ng barangay. Lasing at tulog ang mga sundalo nang sumalakay ang mga Pulang mandirigma. Matapos ang 11-minutong palitan ng putok, sumuko ang mga sundalo at pulis. Dalawa ang napatay na sundalo at tatlo ang sugatan. Agad nilapatan ng paunang lunas ang mga nasugatan.
Labing-apat na armas, kung saan siyam ay mataas na kalibreng riple, ang nasamsam mula sa reyd. Kabilang dito ang pitong ripleng R4, isang M203 greande launcher, isang Galil assault rifle, tatlong .45 kalibreng pistola at dalawang 9mm pistola. Nakakumpiska rin ang mga kasama ng maraming bala, walong ammunition pouch, siyam na military pack, dalawang radyo at isang radyong Harris. May mga selpon, powerbank at iba pang gamit militar pa silang nasamsam.
Bilang tugon sa malaking kabiguan, kinanyon kinabukasan ng mga sundalo ang mga sakahan sa pagitan ng mga barangay ng Dorillo at Cagmanaba. Di bababa sa walong kolum ng kaaway ang sumuyod sa magkalapit na lugar pero bigo silang abutan ang mga mandirigma.

[English translation: The seizure of 14 guns from drunken soldiers in Eastern Samar
On October 7, 2022, 14 weapons were seized by the Red fighters after they attacked and completely defeated the soldiers of the 52nd IB and the police who were camping in Barangay Dorillo, Jipapad, Eastern Samar.
Residents have long complained about the presence of soldiers and police under the Retooled Community Support Program (RCSP). Their violations include camping in the barangay hall itself and firing guns indiscriminately. That is why the masses enthusiastically supported the launch of the tactical offensive.
The Red fighters raided the barangay festival. The soldiers were drunk and asleep when the Red fighters attacked. After an 11-minute exchange of fire, the soldiers and police surrendered. Two soldiers were killed and three were wounded. First aid was immediately applied to the injured.
Fourteen weapons, of which nine were high-caliber rifles, were seized from the raid. These include seven R4 rifles, an M203 greande launcher, a Galil assault rifle, three .45 caliber pistols and two 9mm pistols. The companions also confiscated a lot of ammunition, eight ammunition pouches, nine military packs, two radios and a Harris radio. They also seized cell phones, power banks and other military equipment.
In response to the big failure, the next day the soldiers shelled the farms between the barangays of Dorillo and Cagmanaba. At least eight columns of the enemy rushed into the vicinity but failed to catch up with the fighters.]
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://philippinerevolution.nu/2023/03/21/ang-pagsamsam-ng-14-na-baril-sa-lasing-na-mga-sundalo-sa-eastern-samar/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.