Wednesday, February 8, 2023

Kalinaw News: Tatlong NPA Militia ang nahuli, 4 na baril ang nasamsam sa engkwentro sa Calbayog City

Posted to Kalinaw News (Feb 8, 2023): Tatlong NPA Militia ang nahuli, 4 na baril ang nasamsam sa engkwentro sa Calbayog City



Lope De Vega , Noirthern Samar Ika-06 ng Pebrero 2023, Tatlong miyembro umano ng CTG ng Front Committee 2 (FC2), Sub-Regional Guerrilla Unit (SRGU), Sub-Regional Committee (SRC) Emporium, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) ang nahuli matapos ang isang engkwentro sa bulubunduking bahagi ng Tinambakan District, Calbayog City, Samar.

Matatandaang rumesponde sa reklamo ang tropa ng 43rd Infantry “We Search” Battalion at nakasagupa ang humigit-kumulang 20 miyembro ng FC2, SRGU, SRC Emporium, EVRPC na nangikil umano ng pera sa mga maliliit na magsasaka ng kopras na humantong sa pagkakasamsam ng isang M16A1 Rifle, isang M653 Rifle, dalawang improvised hand granade, dalawang Anti-Personnel Mine detonator switch, limang backpack, isang bandolier na may tatlong magazines ng M14 na may bala at iba pang personal na kagamitan ng armadong teroristang grupo noong Pebrero 01.

Gamit ang K9 Tracking Dog upang masundan ang mga tumakas na NPA. Nahuli ng mga tropa ang isang Ramil Mapa na may dalang isang Caliber .357 Pistol, isang Improvised Hand Grenade, iba’t ibang gamit at damit ng militar na kung saan ito naman ay nahuli malapit lamang sa pinagenkwentrohan.
Habang nagpapatuloy ang Pursuit Operation, nahuli ng mga tropa sina Jesmar Morata na may dalang Caliber .45 Pistol at Jayson Morata na may dalang Improvised Hand Grenade. Ang tatlong pinaghihinalaang membro ng NPA ng FC2(W), SRGU,

SRC Emporium ay positibong na amoy at nasundan ng K9 Tracking Dog gamit ang mga personal nila na damit at gamit na naiwan sa pinagengkwentrohan.

Pahayag ni Lieutenant Colonel Manuel B Degay JR, Battalion Commander ng 43rd Infanty “We Seearch” Battalion “Mulat na ang mga tao dahil sa dedikasyon ng mga Task Forces to End Local Communist Armed Conflict hanggang sa lebel ng Barangay upang gampanan ang kanilang tungkulin at galit na ang mga taong bayan sa tahasang pananakot at pangingikil ng CPP-NPA-NDF.

Ang pagtindig at paglaban sa kasamaan dala ng CPP-NPA-NDF ang tunay na pagpapahayag ng kabayanihan at tunay na pagkamakabayan. Ang kasundaluhan ng 43IB ay bukas palad at buong puso na tatanggapin ang inyong pagbabablik loob sa gobyerno kasama ang mga LGU sa pagbibigay benipisyo tulad ng E-Clip at Local Social Integration Program.”

Ang mga nahuling pinaghihinalaang membro ng NPA ay na iturn over sa himpilan ng Pulisya sa lungsod ng Calbayog para sa pagproseso. malapit ng malusaw kung pag-iigihan.






Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/tatlong-npa-militia-ang-nahuli-4-na-baril-ang-nasamsam-sa-engkwentro-sa-calbayog-city/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.