Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Website (Dec 20, 2022): AFP, sinungaling! Tuloy ang rebolusyon at pakikibaka ng bayan sa inspirasyon ni Ka Joma (AFP, liar! The revolution and struggle of the people will continue with the inspiration of Ka Joma)
Southern Tagalog Regional Committee
Communist Party of the Philippines
December 20, 2022
Desperado at katawa-tawa ang pahayag ni Col. Medel Aguillar, tagapagsalita ng AFP na walang kwalipikadong pumalit kay Kasamang Jose Maria Sison bilang pinuno ng CPP. Sino ba naman siya para magbitaw ng salita gayong wala naman siya sa pamunuan ni hindi siya kasapi ng Partido?
Pumupostura ang AFP na subaybay nila ang talaksan ng mga kadreng posibleng papalit kay Ka Joma ngunit sali-salikwang ang kanilang mga pahayag hinggil sa bilang at aktwal na lakas ng buong rebolusyonaryong kilusan. Ang kanilang deklarasyon hinggil kay Ka Joma bilang lider ng CPP ay hindi tumutugma sa nauna nilang retorika noong panahon ng tiranikong rehimeng US-Duterte na “wala nang moral na otoridad si Ka Joma sa CPP-NPA dahil hindi na siya ang pinuno nito”. Dahil dito, lalo lamang pinatutunayan ng AFP ang kanilang kasinungalingan sa bayan at ang pagwawaldas nito ng pondo ng bayan dahil puro palso ang kanilang mga impormasyong inilalabas sa publiko.
Lalupang ginawang katawa-tawa ni Aguilar ang sarili sa pag-aalok na siya na lamang ang papalit kay Ka Joma sa pamumuno sa CPP. Ang tanong namin kay Col. Aguilar, handa ka bang talikuran at labanan ang pasista at mersenaryong indoktrinasyon ng AFP-PNP at itakwil ang mga krimen nito? Kung ganito, pwede kang magdefect sa New People’s Army (NPA) katulad ng ginawa ni Gen. Jarque at labanan ang mandarambong na Commander In Chief mo na si Ferdinand Marcos Jr. at ang papet at pasistang AFP-PNP. Dapat kang muling mag-aral ng mga rebolusyonaryong aralin na itinuro ni Ka Joma at magpanibagong hubog upang maiwaksi ang pasista at anti-mamamayang oryentasyon na itinuro sa inyo ng imperyalismong US. Upang maabswelto ka sa mga kaso mo laban sa bayan, dapat na magpuna ka sa masa at humingi sa kanila ng tawad sa mga ginawa mong pagpapakalat ng kasinungalingan at iba pang mga krimen sa kanila. Sa kasaysayan ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan, may mga opisyal at kawal ng AFP na mahigpit na tumutol at lumaban sa pasistang agos sa AFP, naging tunay na makabayan at nagsilbi sa sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan. Marami sa kanilang tumahak sa landas ng armadong pakikibaka tulad ni Lt. Crispin Tagamolila. Kung hindi ito gagawin ni Aguilar at mananatiling papet, pasista’t mersenaryo, kahit pagiging kasapi ng rebolusyonaryong samahang masa ay hindi pasado si Aguilar.
Nangangarap nang gising ang reaksyunaryong estado na mawawakasan nila ang CPP-NPA-NDFP sa pagpanaw ni Ka Joma kaya kung anu-anong kasinungalingan ang pinakakawalan nila. Tandaan ng rehimeng US-Marcos-Duterte na nabigong durugin ang rebolusyonaryong kilusan noong nagsisimula pa lamang ito, ngayon pa kayang lumawak na ito sa buong kapuluan at malalim na nakaugat sa masa.
Sa mahabang panahong inilaan ni Ka Joma sa pakikibaka, nakapagpanday siya ng sapat na bilang ng mahuhusay at matatapat na mga kadreng mamumuno sa rebolusyon. Katunayan, higit pang dumarami ang kasapian ng Partido mula sa mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, pambansang minorya at iba pang aping uri’t sektor. May malalim at sapat na tangkas ng mga kadre at kasapi ng Partido na handang tanganan ang mga naiwang responsibilidad at ipagpatuloy ang rebolusyon. Ang mga naisulat na mga dokumento ni Ka Joma noong siya ay nabubuhay pa ay kabang yaman ng Partido at sapat upang giyahan ang Partido at mamamayan sa pagsulong hanggang madala sa tagumpay ang bagong tipong demokratikong rebolusyong bayan.
Ang patuloy na paglalim ng krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal na higit pang pinasasahol ng pandaigdigang krisis ng sistemang kapitalista ang obhetibong kalagayan kung bakit ang demokratikong rebolusyong bayan sa Pilipinas ay di kailan man magagapi. Walang ibang mapagpipilian ang mamamayang labis-labis na pinagdurusa ng imperyalismo at ng lokal na mga naghaharing-uring malaking burgesyang kumprador, malaking panginoong may-lupa at burukratang kapitalismo kundi ang landas armadong paglaban.
Nananatiling matatag at determinado ang rebolusyonaryong pwersa at mamamayan na isulong ang pambansa demokratikong rebolusyon hanggang tagumpay. Ang pagkamatay ni Ka Joma ay inspirasyon upang patuloy na iwagayway ang pulang bandila ng armadong pakikibaka.###
https://philippinerevolution.nu/statements/afp-sinungaling-tuloy-ang-rebolusyon-at-pakikibaka-ng-bayan-sa-inspirasyon-ni-ka-joma/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.