Tuesday, December 20, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Kagubatan, nasira sa pambobomba ng AFP sa Northeast Mindanao

Ang Bayan Daily News & Analysis propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Philippine Revolution Web Central (PRWC) Web site (Dec 20, 2022): Kagubatan, nasira sa pambobomba ng AFP sa Northeast Mindanao (Forest, destroyed by AFP bombing in Northeast Mindanao)






December 20, 2022

Halos 100 mga puno ang nasira sa inilunsad na pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kagubatan ng Mt. Hilong-Hilong sa hangganang bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte at Surigao del Sur noong Nobyembre 30. Nag-iwan din ito ng malalaking butas sa lupa (crater) na may lalim na hanggang tuhod at nagdulot ng pagguho ng lupa.

Ang naturang kabundukan ay isa sa mga natitirang tirahan ng Philippine eagle at maraming mga klase ng flora at fauna.

Matagal nang dapat idindeklarang protektadong erya ang Mt. Hilong-Hilong dahil sa katangian at potensyal nito na maging isang national mountain park. Sa katunayan, noong 2007 ay isinulong sa senado at kongreso na ideklara ito bilang protektadong erya. Nakasalalay din sa kabundukan ang buhay at kabuhayan laluna ng mga Lumad.

Mula alas-5:40 ng umaga hanggang alas-7 ng Nobyembre 30 ay binomba ang erya gamit ang anim na malalaking bomba at dalawang rocket.

Tinarget ng AFP ang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na nagkakampo sa naturang lugar pero hindi nila ito napuruhan dahil kagyat na nakamaniobra ang yunit.

Matapos ang insidente, isang Pulang mandirigma na nahilaway sa kanyang yunit ang nadakip ng kaaway. Sa interbyu sa lokal na radyo noong Lunes, mistulang mayroon siyang matinding troma at pinilit ng mga sundalo na magsabi ng kung anu-anong mga kasinungalingan.

Dapat siyang kilalanin bilang isang bihag ng digma ng AFP at galangin ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng internasyunal na makataong batas.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/kagubatan-nasira-sa-pambobomba-ng-afp-sa-northeast-mindanao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.