From Kalinaw News (Jul 23, 2022): NPA na Nag-amok sa Barangay, Naaresto matapos Isumbong ng mga Residente sa Legazpi City (NPA Rampant in Barangay, Arrested after Reported by Residents in Legazpi City)
Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Inaresto ng mga sundalo’t pulis ang isang lalaking isinumbong ng mga residente dahil sa pag-aamok nito sa Sitio Tico-tico, Barangay Taysan, Legazpi City, nito lamang Biyernes, Hulyo 22.
Ang naaresto ay kinilala na si Romulo Mostoles alyas “Jay” na sa huli ay nadiskobreng miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nakunan ng kalibre 45 baril.
Ayon kay Lieutenant Colonel Marlon Mojica, Battalion Commander ng 31IB, sa gitna ng imbestigasyon at pagtatanong ng tropa sa mga residente ay isinumbong na rin mismo nito ang pinagtataguan ng mga armas ng iba niya pang kasamahan.
Kinabibilangan ito ng dalawang (2) M16 rifle, dalawang (2) M14 rifle at walong (8) anti-personnel mine.
Kinumpirma naman ni Brigadier General Aldwine Almase, Commander ng 903rd (PATRIOT) Brigade na si Mostoles ay isa sa mga salarin ng pananambang sa Sorsogon na ikinasugat ng tatlong pulis at dalawang sibilyan sa Barangay Danlog, Pilar, Sorsogon noong Pebrero 22, 2021.
Sa kabila nito, tiniyak ni Police Brigadier General Mario Reyes, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 5 na isasailalim sa tamang proseso si Mostoles na nasa kustodiya ngayon ng PNP.
Kaugnay nito, naniniwala si MAJOR GENERAL ALEX LUNA, Commander ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) at 9th Infantry (SPEAR) Division, na ang pagsumbong at pagkakaaresto kay Mostoles ay bunga na rin ng pagnanais ng mga tao na maubos na ang armado at tuluyan ng matuldukan ang insurhensiya.
“Muli kami po sa Philippine Army ay patuloy na nanawagan sa inyong (CTG Member) pagsuko habang hindi pa huli ang lahat. Huwag niyo ng hintayin na mas lalo pang magalit sainyo ang mga Bicolano at tuluyang sumikip ang inyong mga lugar na pinagtataguan at matunton kayo ng mga sundalo’t pulis at mamatay sa labanan. Isipin nyo ang inyong mga pamilya, sila ay nag aalala at naghihintay sainyo”, ani MGen. Luna.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/npa-na-nag-amok-sa-barangay-naaresto-matapos-isumbong-ng-mga-residente-sa-legazpi-city/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.