March 22, 2022
“MGA KAPATID AT KASAMA, KAIN LANG KAYO NG MAKITA NINYO DIYAN.” Ito ang paskil na tumambad sa mga Pulang mandirigma nang naghahanap sila ng masa na pwedeng makausap. Nakasulat ito sa isang tablang kahoy gamit ang uling at makikita ito na nakasabit sa labas ng kubong napapaligiran ng maraming saging.
Bago nito ay dinanas ng nasabing yunit ng Pulang hukbo ang matinding kasalatan sa pagkain. Dahil sa pagsisikap na mapanatili ang pagiging sikreto ng pagkilos, isinagawa ng mga kasama ang palagiang paglipat at pag-iwas sa mga palatandaan upang magiging bulag at bingi ang kaaway sa kanilang kinalalagyan. Para rito, dinanas ng mga kasama ang iba’t ibang uri ng sakripisyo, isa na ang matinding gutom.
Nang humupa na ang operasyon ng kaaway, nagpalabas kaagad ng isang tim ng hukbo upang maghanap ng masa na pwedeng makatulong at mapakilos para sa pagpapabili ng pagkain. Nahirapan pa ang mga kasama sa paghahanap ng masa sa mga sakahan dahil walang tao ang mga kubo na kanilang napuntahan.
Kadalasan, sa panahon ng paglulunsad ng operasyong militar ng kaaway, umaabot ng ilang araw bago makabalik ang masa sa kanilang mga sakahan. Isang paraan ng kaaway upang pagkaitan ng suportang masa ang Pulang hukbo ay ang hamletting, o ang sapilitang pagpapabakwit sa masa mula sa mga liblib na lugar at magsiksikan sa mga sentrong bahagi ng kanilang lugar. Pinagbabawalan din ng kaaway ang masa na pumunta sa kanilang sakahan. Higit sa lahat ay ramdam din ng mga residente ang matinding takot dahil marami na silang karanasan na kadalasan ay dinakip, dinahas, pinatay at inaakusahang membro ng BHB kung makita sila ng kaaway. Kung kaya’t maraming kubo na napuntahan ng mga kasama ay may maraming gamit na naiwan. Kita na may hindi natapos na trabaho kagaya ng pag-uuway at pagtatanim at may naiwang mga alagang hayop.
Pagkatapos mabasa ng mga kasama ang nakasulat sa kahoy, kumuha kaagad sila ng saging. Hinawan ng mga kasama ang mga damo sa sakahan at dinagdagan ang pananim sa paligid ng kubo. Hindi pa rin sila huminto sa paghahanap ng masa na pwedeng makausap. Lumipas ang ilang araw, nakita na nila ang masa na may-ari ng kubo. Ayon pa sa kanya ay anim na taon na siyang naghihintay sa mga kasama at hinanda niya ang kanyang mga pananim upang itulong kung may mga kasamang dumating. Nalaman na lamang niyang may mga kasamang pumunta sa kanyang kubo dahil hindi nawala ang kanyang mga kagamitan at nilinisan pa ang kanyang sakahan. Dahil sa matinding operasyon ng kaaway, nag-iwan na lamang siya ng paskil sa kanyang kubo.
Noong 2021 ay lalo pang pinatindi ng kaaway ang dati nang pinapatupad nitong pokus at sustenidong operasyong militar sa rehiyon. Ginamit ng kaaway ang iba’t ibang rekurso at paraan upang ipatupad ang hangal na layunin na umano’y durugin ang BHB sa rehiyon at pagkaitan ito ng suportang masa. Malayong mali at hindi nagtagumpay ang kaaway.
Habang nagsasagawa ng gawaing masa ang ibang yunit ng BHB, naabutan nila ang isang lumang kubo. Matapos nilang katukin ang pinto ay lumabas ang isang matandang lalaki. Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik sa mga kasama at agad na nangamusta. Parang isang ama na pinagalitan ang kanyang anak. Tanong ni tatay, “bakit matagal kayong nakapunta dito? Kumain na ba kayo? Sigurado akong nagugutom na kayo dahil ang papayat nyo na. Iyang tanim kong gabi, hanggang sa makaya ninyo, kunin niyo na.”
Sa patuloy na paglalakad ng naturang yunit ng hukbo, muli silang nakatagpo ng masa sa isang kubo. Umiiyak si Tatay. Ayon sa kanya ay matindi ang kanyang takot dahil akala niya’y totoo ang ipinagmamayabang ng kaaway na naubos na ang BHB sa inilunsad nitong pamomomba. Isang linggo raw matapos ang isang serye ng pamomomba ng FA-50 fighter jets ay sinuri ni tatay ang bundok na tantya niya’y tinamaan ng bomba. Nangangamba siyang baka kinain na ng aso o baboy ramo ang buto ng mga kasama at nagbaka-sakali siyang may makita upang mailibing ng maayos. Ngumiti na lamang ang mga kasama at pinaliwanag kay tatay na kasinungalingan ang pinakalat ng kaaway at walang kasamang napatay sa nasabing serye ng pambobomba.
Sa kabilang baryo, may isang tim na pinalabas upang makipagkita sa isang kontak. Dahil sikreto ang pagkilos ay hinintay ng mga kasama na dumilim bago umalis. Baguhan ang mga kasama sa erya at hindi nila kabisado ang mga daanan. Nawala sila sa daan at doon sila napunta sa isang kubo na hindi nila kilala ang may-ari. Kahit ang mga may-ari mismo, na dalawang magkapatid na lalaki, ay nagulat na may nakarating sa kanilang kubo dis-oras ng gabi. Nagpakilala at nagpaliwanag ang mga kasama sa kanila dahil simula’t sapul ay hindi pa nakakilala ang mga ito ng Pulang hukbo. Madaling nagkaintindihan ang mga kasama at dalawang may-ari ng bahay. Nagkatay pa sila ng manok para sa mga kasama. Kinabukasan ay kumilos kaagad ang dalawa upang makabili ng pagkain para sa mga kasama. Matapos ang ilang linggo ay sumama na ang nakababatang kapatid at sumapi siya sa hukbo.
Sa pakikipaggitgitan ng mga Pulang hukbo sa iba’t ibang atake ng kaaway, palaging mataas ang kanilang rebolusyonaryong moral at sigasig dahil sa napakainit na pagtanggap ng masa sa kanila. Sa gitna ng mas brutal na pag-atake ng kaaway sa mamamayan, patuloy ang pagrerebolusyon ng masa. Walang-tigil ang mamamayan sa muling pagpapalawak at pagpapalakas ng kanilang kinalalagyang organisasyong masa. Araw-araw na inspirasyon ng mga kasama ang kakayahan ng masa na itaguyod ang digmang bayan.
May mga pagkakataong nagdadalawang-isip pa ang masa na makipagkita sa kasama o di kaya’y ipatupad ang kanilang mga tungkulin dahil minsan mas nangingibabaw ang kanilang takot. Ngunit, dahil sa kanilang malalim na pag-unawa sa rebolusyon, sila na mismo ang naghahanap na inisyatiba at alternatibo.
Masinsin ang pagtitiyak ng masa para maka-iwas ang kanilang hukbo sa atake ng kaaway. Kung kaya’t kaagad silang tumitimbre kung may namataan silang kaaway. Sa maraming pagkakataon ay binabalikat na ng masa ang seguridad ng hukbo sa pamamagitan ng pagpa-patrol sa paligid.
Mainit ang pag-aalaga ng masa sa kanilang hukbo na manatiling malusog at may kakayahang makipagsagupaan. Inilalaan ng masa ang kanilang mga pananim at iba pang pagkain bilang suporta. Tumutulong din sila upang makapag-imbak ng pagkain bilang paghahanda sa paparating na krisis sa pagkain.
Mainit ang pagsuporta ng masa habang mas lumakas at lumawak ang kanilang hukbo. Taus-puso nilang pinapayagan at sinusuportahan ang kanilang mga anak na sumapi at manatili sa BHB.
Mainit ang pagpreserba ng masa sa prestihiyo ng rebolusyonaryong kilusan. Iniiwasan nila ang sapilitan at walang-piling pagpapasuko ng kaaway. Kung napilitan mang sumurender ay nagtatago sila sa mga sikretong lugar upang hindi magamit ng kaaway at maingat nilang kinukubli ang mga gamit ng hukbo na iniwan sa kanila.
Higit sa lahat ay mainit ang pagpapalakas ng masa sa demokratikong rebolusyon ng bayan. Araw-araw nilang pinapatunayan na sila ang tunay na bayani at sila ang tagapaglikha ng kasaysayan. # (Ang Kalihukan)
https://cpp.ph/angbayan/napakainit-ang-pagtanggap-ng-masa-sa-kanilang-hukbo/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.