Wednesday, March 23, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Lider-Lumad sa North Cotabato, iligal na inaresto

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 22, 2022): Lider-Lumad sa North Cotabato, iligal na inaresto (Lumad Leader in North Cotabato, illegally arrested)






March 22, 2022

Iligal na naresto ng magkasanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at 72nd IB si Edwin Oribawan Sr., lider-Lumad sa Sityo Aguila, Kabalantian, Arakan, North Cotabato noong Marso 18. Alas-kwatro ng madaling-araw nang sinalakay ng mga sundalo at pulis ang kanyang tahanan. Tinutukan ng baril ang kanyang dalawang anak.

Ayon sa ulat ng Save Our Schools Network, alas-5 ng madaling araw nang pinasok ang bahay ng mga Oribawan para magtanim ng bala at bigyang-katwiran ang iligal na pag-aresto sa kanya. Kinasuhan na siya ng gawa-gawang kaso ng pagpaslang, rebelyon at paggamit ng droga.

Si Oribawan Sr. ay isa sa lider ng konseho ng mga Lumad na Tinananon Kulamanon Lumadnon Panaghiusa. Isa rin siya sa mga nagtatag ng Mindanao Interfaith School Foundation, Inc. sa Arakan, North Cotabato. Myembro siya ng Parents, Teachers and Community Association. Noong 2017, malisyoso siyang idinawit ng AFP sa isinagawang ambus ng Bagong Hukbong Bayan sa Sityo Gambodes sa parehong bayan.

Ang MISFI ay nagtatag ng mga paaralang pang-elementarya sa mga komunidad ng Lumad na ipinasara ng NTF-Elcac. Noong Hunyo 2021, sapilitang pinadinemolis ng AFP ang paaralan sa mga residente dito.

https://cpp.ph/angbayan/lider-lumad-sa-north-cotabato-iligal-na-inaresto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.