From Palawan News (Oct 21, 2021): Pulis, Marines sumailalim sa special operations platoon training sa Sofronio Española (By Ruil Alabi)
Photo from AIM High Facebook account.
May kabuuang 30 sundalo mula sa Marine Battalion Landing Team-4 (MBLT-4) at anim na miyembro ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (1st PPMFC) ng pambansang pulisya ang sumailalim sa isang Special Operations Platoon (SOP) training na isinagawa sa Camp Daypo, sa Barangay Abo-abo, bayan ng Sofronio Española, at nagtapos noong October 13.
Sa nasabing pagsasanay na nagsimula noong August 17 at tumagal ng 57 araw, sumailalim ang grupo sa dalawang stage ng training na kinabilangan ng individual toughening phase kung saan, pinapalakas ang kanilang pisikal na pangangatawan upang makayanan ang tindi ng mga pagsasanay, at ang special operations phase kung nilinang at hinubog ang mga trainees sa iba’t ibang kakayahan pagdating sa tactical combat at reconnaissance patrol.
Ayon kay Maj. Glenn Llorito, commanding officer ng MBLT-4, mahalaga ang pagsasanay na ito upang magampanan ng trainees ang kanilang sinumpaang tungkulin sa komunidad at upang magkaroon ng kahandaan at disiplina sa sarili sa pagharap sa mga sakuna.
“Ang SOP Training ay napakaimportante upang paghusayin ang ating warfighting skills upang tayo’y laging handa anumang oras sa digmaan man o sakuna,” pahayag ni Llorito sa isang press release na inilabas ng MBLT-4 noong October 16.
- Advertisement -
“Sa ating mga kasamahan sa pambansang pulisya, ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtugon sa aming imbitasyon sa pagsasanay na ito. This is truly a sign of unity in promoting jointness when it comes to operations and strengthening camaraderie, while focusing towards the same objectives,” dagdag niya.
Samantala, ang 36 SOP trainees ay kabilang sa mga tumulong sa mga mamamayan na naging biktima ng pagbaha noong nagdaang bagyong Maring sa ilang bahagi ng lalawigan ng Palawan.
“Ito ay isang patunay na ang inyong mga marines at pulisya ay laging handa upang tumulong at magbigay serbisyo sa mga mamamayan,” ani Llorito.

https://palawan-news.com/pulis-marines-sumailalim-sa-special-operations-platoon-training-sa-sofronio-espanola/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.