Thursday, October 21, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Desisyon na gawing regular ang 50 manggagawa ng Uni-Pak, ipatupad na

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 21, 2021): Desisyon na gawing regular ang 50 manggagawa ng Uni-Pak, ipatupad na






Nitong linggo, napag-alaman ng mga manggagawa sa Uni-pak na pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Hulyo ang resolusyong unang inaprubahan ng ahensya noong 2019 na nagsasaad na dapat nang gawing regular ang 50 manggagawa ng SLORD Development Corportation, may-ari ng Uni-Pak. Ayon sa Samahang Manggagawa sa Slord Development Corporation (SMSDC), susubaybayan nila ang pag-usad nito at igigiit ang implementasyon ng naturang resolusyon.

“Hangga’t hindi naiimplementa ang mga desisyong ito ng DOLE, mananatiling malabnaw, hanggang papel lamang, at walang gulugod ang mga desisyon nito,” ayon sa pahayag ng samahan.

Noong Oktubre 18 natanggap ng mga manggagawa ang desisyon na nagsasaad na “pinal at executory” na ang naunang resolusyon ng DOLE. Ayon sa SMSDC, kinakailangang maglabas ang ahensya ng maglabas ito ng Proprio Vigore Order to Execute para magkaroon ng pangil ang desisyon nito.

Ang SLORD Development Corporation ay isang toll processing company (isang kumpanyang kinokontrata ng ibang kumpanya para magsagawa ng pagpoproseso) na nakabase sa Navotas. Pangunahing ginagawa nito ang paglalata ng mga pagkaing-dagat na galing sa Korea at Japan. Nagpoproseso din ito ng gulay.

Nangungunang isyu ng mga manggagawa ng SLORD ang malawakang kontraktwalisasyon, kawalang-benepisyo at pang-aabuso ng maneydsment. Sa isang ulat noong 2018, nasa 350 sa 500 manggagawa ay kontraktwal. Kumpara sa mga regular na sinasahuran ng P512 kada araw, mas mababa ang ibinibigay na sahod sa kanila. Ang mga manggagawang tinatawag na “regular extra” ay pinasasahod ng P370 bawat 8 oras. Ang mga kaswal na tumatanggap din ng P370 kada araw ay sinisisante matapos ang limang buwan ng trabaho.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/desisyon-na-gawing-regular-ang-50-manggagawa-ng-uni-pak-ipatupad-na/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.