Monday, July 5, 2021

Kalinaw News: Abandoned war weapons and personal use by NPA terrorists, seized by the 54th Infantry Battalion in Mt. Province

Posted to the Kalinaw News Facebook Page (Jul 5, 2021): Abandoned war weapons and personal use by NPA terrorists, seized by the 54th Infantry Battalion in Mt. Province

Abandoned war weapons and personal use by NPA terrorists, seized by the 54th Infantry Battalion in Mt. Province

FULL STORY: https://qoo.ly/3cz35t

#ARMY124
#ParaSaBayan
#PhilArmy



Mga iniwang gamit ng teroristang CPP-NPA, nadiskubre ng kasundaluhan sa Mt. Province

CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela – Mga abandonadong gamit ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang natagpuan ng kasundaluhan ng 54th Infantry Battalion (54IB) sa Mountain Province noong ika-04 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Sa impormasyong ibinahagi ng mga Former Rebels (FRs) at pakikipagtulungan ng mga residente, natagpuan sa pagitan ng Barangay Tetep-ab Norte, Sagada at Barangay Dalican, Bontoc ang mga gamit ng mga miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya (KLG) Ampis ng teroristang CPP-NPA tulad ng ibat-ibang parte ng baril at improvised na bandolier, mga kagamitang may marking Front Operational Command – Alfredo Ceasar Junior Command na bahagi ng Komiteng Larangang Gerilya-Southern Ilocos Sur (KLG-SIS), mga damit na mayroong tatak ng Chadli Molintas Command ng NPA Ilocos-Cordillera, dalawang libro na naglalaman ng mga aral ukol sa rebolusyonaryong pakikidigma, dalawang piraso ng wire na may tig-25 metro na haba, tatlong duyan, kumot, mga trapal, mga radyo, powerbank, mga flashlight, extension cord, limang mga bag pack, at mga gamit pang medikal. Ayon sa mga FR at sa mga residente, nasa isa hanggang dalawang buwan na nang iwanan ng mga teroristang NPA ang kanilang mga gamit sa naturang lugar matapos na umaklas sa teroristang kilusan ang mayorya ng kanilang miyembro.

Nasabi din ng mga dating rebelde na patuloy ang paghina ng nasabing teroristang grupo ng CPP-NPA dahil itinakwil na sila ng dating mga sumusuportang masa sa probinsya ng Ilocos at Mountain Province. Dagdag pa rito, idineklara din silang Persona Non Grata sa mga nasabing probinsiya.

Samantala, sa naging pahayag ni Major General Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, kanyang hinikayat ang mga natitira pang miyembro ng teroristang grupo na huwag ng mag alinlangang magbalik-loob sa pamahalaan. Aniya, wala nang matatakbuhan ang mga teroristang CPP-NPA dahil mga residente na mismo ang nagtatakwil sa kanila. “Patuloy sa paghina ang pwersa ng teroristang CPP-NPA dahil sa sunud-sunod na pagbabalik-loob ng mga miyembro nito sa ating pamahalaan. Hinihikayat ko ang mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA na sumuko habang hindi pa huli ang lahat. Nakahanda ang pamahalaan upang tumulong sa inyong pagbabagong buhay.”

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-iniwang-gamit-ng-teroristang-cpp-npa-nadiskubre-ng-kasundaluhan-sa-mt-province/

https://www.facebook.com/kalinawnews/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.