Download here
Pilipino: PDF
Ang ulat na ito ay halaw sa nakalap na mga balita ng Ang Bayan (AB) hinggil sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang mga armadong pwersa ng reaksyunaryong rehimeng US-Duterte mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon. Layon ng ulat na ito na ipakita ang lawak ng brutalidad at karahasan na dinanas ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng maduming gerang panunupil ni Rodrigo Duterte.
Sa talaan ng AB, 16,845 (o 93 kada araw sa abereyds) ang naging mga biktima ng mga paglabag sa karapatang-tao sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon. Hindi pa kabilang dito ang puu-puong libong sibilyang inaresto at idinetine o pinarusahan dahil sa “pagsuway” sa mga restriksyon sa panahon ng lockdown at ang mga pinaslang sa ngalan ng nagpapatuloy ng “gera kontra-droga.” Hindi rin kasama rito ang daan-daang indibidwal na ni-red-tag at ipinailalim sa sarbeylans sa kalagitnaan ng pagdinig sa mga petisyon laban sa Anti-Terror Law (ATL) kabilang ang mga aktibista, upisyal ng pamahalaan, abugado, huwes, at ordinaryong mamamayan.
Sa abereyds, hindi bababa sa dalawang kaso ng pampulitikang pamamaslang ang naitala kada linggo. Kada araw, may dalawang biktima ng pang-aaresto.
Ipinakikita ng mga datos na ito na sistematikong tinatarget ng mga armadong pwersa ng estado ang mga sibilyan. Ang ganitong mga paninibasib sa mga sibilyan at sa kanilang mga komunidad ay maruming taktikang ginagamit ng rehimeng Duterte at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa balangkas ng kanilang madugong gerang kontra-insurhensya.
Taliwas sa internasyunal na batas ng digma na dapat ay nagliligtas sa mga taong di tuwirang kalahok sa armadong tunggalian, tinatarget ng AFP ang mga sibilyang komunidad na kanilang kinukubkob at inookupa, kaakibat ng inilulunsad nitong mga operasyong militar laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ipinapataw sa mga baryong ito ang batas militar kung saan ipinatutupad ang mga paghihigpit, walang mandamyentong panghahalughog, paninindak sa mga tao at pagkontrol sa kilos, kabuhayan at komersyo ng mga residente. Ang mga erya na nakapagtala ng pinakamatataas na mga kaso ng operasyong militar ang nakapagtala rin ng pinakamatataas na mga kaso ng mga paglabag sa karapatang-tao sa parehong panahon.
Nais ipabatid ng AB sa mga mambabasa na marami pang kaso sa kanayunan ang hindi naiulat dulot ng tindi ng mga operasyong militar laluna sa Mindanao.
Pagpaslang, bigong pagpaslang, tortyur, at pagdukot
Hindi bababa sa 60 sibilyan ang naging mga biktima ng pampulitikang pamamaslang sa buong bansa ngayong unang hati ng taon. Mas marami ang pinaslang ngayong taon kumpara sa bilang ng mga biktima sa parehong panahon noong 2020 (46). Kalakhan ng pinaslang (33) ay mga magsasaka. Tatlo sa mga biktima ay mga menor de edad. Kalakhan sa mga biktima ay pinalabas ng mga pwersa ng estado na “nanlaban” at namatay sa mga “engkwentro.”
Gaya sa nakaraang taon, ang rehiyon ng Bicol ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga pinaslang (18), kasunod ang Southern Tagalog (13) at Negros Island (12). Ang unang dalawang rehiyon ay saklaw ng mga operasyon ng Southern Luzon Command (Solcom) na pinamumunuan ng tagapagsalita ng NTF-ELCAC at notoryus na red-tagger na si Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr. Ang Bicol at Negros ay parehong saklaw ng Memorandum Order 32 na inilabas ni Duterte noong 2018 na direktang nagdeploy ng dagdag na mga batalyon sa naturang mga lugar. Sa mga prubinsya, pinakamarami ang pamamaslang sa Negros Occidental (7), kasunod ng Rizal at Camarines Norte (tig-6).
Nakapagtala ang AB ng limang masaker sa parehong panahon. Pinakahuli rito ang pagmasaker ng 3rd Special Forces Battalion sa Barangay Diatagon, Lianga, Surigao del Sur sa tatlong Lumad, kabilang ang isang menor de edad noong Hunyo 8. Pinaniniwalaang tinortyur ang mga biktima bago pinaslang, habang dalawa sa kanila ay pinaniniwalaang ginahasa. Isang linggo bago nito, minasaker din ng mga elemento ng 2nd IB at pulisya ang tatlong magsasaka sa Barangay Anas, Masbate City.
Naganap din noong Marso 7 ang tinaguriang “Bloody Sunday” kung saan siyam na aktibista ang magkakahiwalay na pinaslang sa Cavite, Batangas at Rizal. Noong Mayo 28, nilikida ng mga pwersa ng estado ang dalawang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Visayas na sina Fr. Rustico Tan at Reynaldo Bocala. Labag ito sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Limang indibidwal ang naiulat na dinukot ng mga pwersa ng estado at hindi pa rin inililitaw sa kasalukuyan. Kabilang sa kanila ang kabataang aktibista na si Kemuel Ian Cometa na dinukot ng pulisya sa Barangay Macabling, Sta. Rosa City, Laguna noong Mayo 21, kasabay ng pagmasaker sa tatlong iba pang aktibista.
Dagdag pa rito, nakapagtala rin ang AB ng tatlong biktima ng bigong pagpaslang at limang biktima ng tortyur. Kabilang sa mga biktima si Angelo Karlo Guillen, kabilang sa mga abugado ng mga petisyuner kontra ATL, na sinaksak sa ulo noong Marso 3 sa Iloilo City. Abugado rin siya ng siyam na Tumandok na minasaker, at 16 na iba pang inaresto sa Capiz at Iloilo noong huling araw ng 2020.
Pag-aresto at detensyon
Umabot sa 201 kaso ng arbitraryong pag-aresto at detensyon ang naitala ng AB sa unang hati ng taon. Pinakamarami ang inaresto noong Marso (78 biktima), at pinakamarami ay mula sa sektor ng magsasaka (74), kasunod ng pambansang minorya (73). Pinakamataas ang bilang ng biktima (80) sa Southern Tagalog. Hindi bababa sa 63 indibidwal ang inaresto sa Rizal pa lamang. Kabilang sa kanila ang nasa 60 Dumagat na inakusahang kasapi ng BHB at arbitraryong inaresto sa Rodriguez at Antipolo City noong Marso 14 at at Abril 13.
Nakapagtala rin ang AB ng hindi bababa sa walong insidente ng maramihang pag-aresto sa parehong panahon. Pinakahuli rito ang pag-aresto ng mga elemento ng 22nd IB sa siyam na kasapi ng pamilyang Mapula at apat na iba pang indibidwal sa Bulan, Sorsogon noong Hunyo 28. Anim sa kanila ang menor de edad. Pinakabata sa mga biktima si Althea Mapula, 2 taong gulang, na inaresto kasama ng lima pang bata.
Sa kabuuan, hindi bababa sa 28 menor de edad ang inaresto sa naturang panahon. Kabilang sa kanila ang 19 na na estudyanteng Lumad na inaresto sa kanilang paaralang bakwit sa Barangay Talamban, Cebu City noong Pebrero 15 kasama ng pitong guro at kanilang mga tagasuporta. Kabilang naman sa mga gurong inaresto si Chad Booc na isa sa mga petisyuner laban sa ATL.
Dagdag pa rito, nakapagtala ang AB ng 15 kaso ng pagbabanta, panggigipit at intimidasyon. Hindi pa kasama rito ang mga indibidwal na ni-red-tag ng NTF-ELCAC at mga kasapi ng mga progresibong organisasyong patuloy na ginigipit ng mga armadong pwersa ng estado.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

.
Atake sa mga komunidad
Mula Enero, nakapagtala ang AB ng iba’t ibang tipo ng mga atakeng militar sa hindi bababa sa 610 barangay ng 321 bayan sa 65 prubinsya. Pinakamarami ang apektadong barangay sa North Central Mindanao (80), kasunod ang Southern Tagalog (74 barangay) at Eastern Visayas (58).
Hindi bababa sa 32 barangay ang apektado sa walang patumanggang pambobomba, at 27 barangay naman ang sinaklaw ng pag-istraping ng militar sa naturang panahon. Kabilang dito ang 21 barangay sa lalawigan ng Quezon na sinaklaw ng pambobomba at pag-istraping ng militar noong Pebrero. Apat na barangay din ang naiulat na kinanyon ng militar.
Pinakahuli sa mga pag-atakeng ito ang pambobomba at pag-istraping ng militar sa magubat na bahagi ng Barangay Kasapa II, La Paz, Agusan del Sur noong Abril 6, malapit sa sakahan at komunidad ng mga residente. Anim na bomba ang ihinulog ng militar sa lugar gamit ang dalawang FA-50 fighter jet. Tatlong beses ding kinanyon ng militar ang naturang barangay noong Pebrero.
Ang walang patumanggang mga atake at ang okupasyong militar sa mga baryo ay nagresulta sa pagbabakwit ng hindi bababa sa 16,232 residente mula sa kanilang mga komunidad sa iba’t ibang panig ng bansa. Kalakhan ng mga bakwit ay mula sa Southern Tagalog (nasa 15,000).

https://cpp.ph/2021/07/04/ang-maduming-gera-ni-duterte-sa-unang-hati-ng-2021/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.