Thursday, July 8, 2021

CPP/Ang Bayan: Ika-5 taon ni Duterte, sinalubong ng protesta

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2021): Ika-5 taon ni Duterte, sinalubong ng protesta



Higit isang libo ang nagmartsa patungo sa Mendiola Bridge sa Maynila sa ika-5 taon sa poder ni Rodrigo Duterte noong Hunyo 30 para singilin ang kanyang rehimen ng korapsyon, pagtataksil, pagpaslang at pagpapahirap sa bayan.

Sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan, giit ng iba’t ibang mga organisasyon ang pagwawakas sa mga pagpaslang at pagsasakdal sa rehimeng Duterte sa lahat ng kanyang krimen laban sa sambayanan. Naglunsad ng kaparehong protesta sa San Pedro City, Laguna.

Sa parehong araw, kinalampag ng mga manggagawang pangkalusugan ang upisina ng Department of Health sa Manila City para igiit ang kanilang benepisyo at ipanawagan ang pagbaba sa pwesto ng kalihim ng kagawaran na si Sec. Francisco Duque III.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/07/07/ika-5-taon-ni-duterte-sinalubong-ng-protesta/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.