Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2021): DDoS attack ng AFP, DOST sa alternatibong midya
Nilantad ng Qurium Media, organisasyon sa cybersecurity na nakabase sa Sweden, sa isang ulat noong Hunyo 22 na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Science and Technology (DOST) ay nasa likod ng mga distributed denial-of-service (DDoS) attack sa mga grupong Bulatlat, Altermidya at Karapatan. Nagsimula ang mga atake noong kalagitnaan ng Mayo at rumurok noong kalagitnaan ng Hunyo at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Sa DDoS, dinudumog ng ilang milyong pumapasok sa website para bumagal ito.
Kasabay din nito ang mga DDoS attack sa website ng Philippine Revolution Web Central (PRWC sa https://cpp.ph) na nagdulot ng panaka-nakang pagkawala nito. Ginamit naman ng AFP ang mga pekeng akawnt sa Twitter para itulak ang kumpanya na ipasara pansamantala ang akawnt ng PKP (@prwc_info) at tuluyang hadlangan ang upisyal nito sa impormasyon (@marco_cpp).
Ayon sa Qurium, ang mga IP address na ginamit sa mga pag-atake ay direktang nakaugnay sa upisina ng militar sa Taguig City, at sa proyektong Philippine Research, and Government Information Network ng DOST. Pinaiimbestigahan ngayon sa Kongreso ang insidente.
Samantala, pinasok din ng di-awtorisadong mga elemento ang membership application o app ng 1Sambayan noong ikalawang linggo ng Hunyo. Paniniwala ng grupo na kagagawan ito ng mga karibal nito sa pulitika.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2021/07/07/ddos-attack-ng-afp-dost-sa-alternatibong-midya/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.