Thursday, July 8, 2021

CPP/Ang Bayan: 2 M16, nakumpiska ng BHB-Surigao del Sur

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jul 7, 2021): 2 M16, nakumpiska ng BHB-Surigao del Sur



Dinisarmahan ng mga Pulang mandirigma ang mga armadong gwardya ng MR1 Construction Company noong Hunyo 24 sa Barangay Zone 3, Lanuza, Surigao del Sur. Nakumpiska sa nasabing opensiba ang dalawang ripleng M16, isang shotgun, isang kalibre .45 pistola at iba pang gamit militar. Nasawi sa aksyong militar ang isang gwardya at isang elemento ng CAFGU. Pagmamay-ari ni Paulo Lopez, kamag-anak ni Rep. Prospero Pichay Jr, ang kumpanya.

Kasabay nito, inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Surigao del Sur ang mga pulis na lulan ng patrol car na rumesponde sa insidente. Pinaputukan din ng BHB ang isa pang yunit ng Regional Mobile Group na nakaantabay sa lugar.

Sa Samar, matagumpay na napalayas ng BHB-Northern Samar ang mga tropa ng 20th IB na naglulunsad ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa mga barangay ng Epaw at Sag-od sa Las Navas. Noong Hunyo 18 hanggang 19, inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang mga sundalong nag-ooperasyon sa Barangay Epaw. Bago nito, pinaputukan din ng BHB ang mga elemento ng 20th IB na nakakampo sa hangganan ng Barangay Epaw at Barangay Sag-od.

Mula Hunyo 21 ay di pa muling pumapasok ang mga tropa ng AFP para mag-RCSP sa mga nasabing barangay.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/07/07/2-m16-nakumpiska-ng-bhb-surigao-del-sur/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.