Friday, June 25, 2021

CPP/NPA-Camarines Sur: Salot na SACLEO, modus operandi ng PNP/RMFBn, muling Nanalasa!

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 24, 2021): Salot na SACLEO, modus operandi ng PNP/RMFBn, muling Nanalasa!

NPA-CAMARINES SUR (EDUARDO OLBARA COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY

JUNE 24, 2021



Mariing kinukundena ng Eduardo Olbara Command Bagong Hukbong Bayan – Camarines Sur (EOC BHB – Camarines Sur) ang pagpatay sa walang kalaban-labang sibilyang magsasaka na si Alex Llabres, 46 na taong gulang, may asawa at mga anak, residente ng Brgy. San Roque Heights, Bula, Camarines Sur.

Death warrant at hindi arrest warrant ang bitbit ng mga umatake kay Llabres. Hindi bababa sa 30 elemento ng pinagsanib na pwersa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFBn) at Bula Municipal Police Station (Bula MPS) ang pwersahang pumasok sa bahay ng mga Llabres. Naganap ang pagpatay kaninang madaling araw, ganap na ika-3:00 ng umaga, Hunyo 24.

Gamit ang modus operandi nilang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO), naging kalakaran na ang berdugong estilo at gasgas na linyang ‘nanlaban’ kaya pinatay. Ganito nila pinagtatakpan ang walang patumanggang pagpatay na pinapalakpakan ng rehimeng US-Duterte lalong higit kung maiuugnay ang kanilang mga biktima sa rebolusyonaryong kilusan. Si Llabres ay pinaratangang kasapi at diumano’y mataas na opisyal ng BHB.

Nananawagan ang EOC BHB – Camarines Sur sa lahat ng taong simbahan at iba pang nais tumulong na suriin at ilantad ang tunay na pangyayari. Nananawagan din ang EOC BHB – Camarines Sur sa mga kagawad ng midya na palalimin, laluna ang mga inimbitahang saksihan ang mga ganitong operasyon, at ilabas na ang mga tunay na pangyayari sa likod ng modus operandi ng PNP. Sa mga kapamilya ni Alex Llabres, huwag kayong matakot na hanapin ang hustisya sa pamamagitan ng pagdulog sa lahat ng mga matatapat na indibidwal, organisasyon at ahensyang titindig kasabay ninyo. Ang inyong mga katapangan ang sisingil at nagtutulak sa mga nangakong lokal na opisyal kayo’y tulungan sa hustisyang gusto ninyong makamit.

https://cpp.ph/statements/salot-na-sacleo-modus-operandi-ng-pnp-rmfbn-muling-nanalasa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.