Tuesday, June 22, 2021

CPP/NDF-MAKIBAKA: MAKIBAKA-Bicol sa krisis sa tubig sa Legazpi City, Albay

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 21, 2021): MAKIBAKA-Bicol sa krisis sa tubig sa Legazpi City, Albay

MAKABAYANG KILUSAN NG BAGONG KABABAIHAN-BICOL
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

JUNE 21, 2021



TUBIG! ito ang sigaw ng mamamayang Albayano, isang linggo na ang nakalilipas mula ng mawalan ng tubig sa siyudad ng Legazpi. Sa panahong higit na kinakailangan ito para sa kalinisan at kalusugan! Napakakupad ng aksyon, wala pang alternatibong solusyon! Habang patuloy na nagpapakabundat ang mga upisyal ng PhilHydro at LCWD sa bawat takbo ng metro ng tubig, higit namang nakararanas ng matinding pasakit ang residente ng Legazpi.Tulad ng nangyari sa APEC, tiyak gagamitin lamang itong tuntungan ng mga kapitalista ngayon upang itulak ang pagsasapribado ng LCWD at mahuthutan ito ng supertubo. Ngunit alam na ng masang Albayano kung ano ang resulta ng mga naturang hakbang – higit na malaking singil para sa palpak namang serbisyo.

Ipaglaban ang maayos at libreng serbisyong panlipunan para sa mamamayan! Labanan ang pribatisasyon ng mga serbisyong para sa tao!

https://cpp.ph/statements/makibaka-bicol-sa-krisis-sa-tubig-sa-legazpi-city-albay/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.