Tuesday, June 22, 2021

CPP/NDF-Bicol: Lihim na narcolist ng mga NPA at drug lord, lisensya ng rehimeng US-Duterte para sa malawakang pamamaslang at pag-aresto

Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Jun 20, 2021): Lihim na narcolist ng mga NPA at drug lord, lisensya ng rehimeng US-Duterte para sa malawakang pamamaslang at pag-aresto

MA. ROJA BANUA
SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

JUNE 20, 2021



Kung anu-anong kalokohan na naman ang lumalabas sa bibig ni Duterte! Matapos ang malisyosong paratang na mga drug lord ang NPA, binawi ni Duterte ang una niyang pahayag na maglalabas ng ala-narcolist ng mga lider ng NPA at mga drug lord sa batayan ng pambansang seguridad. Hindi ito kaiba sa mga dati nang paratang ng pasistang diktador na nagbibigay lisensya sa kanyang mga alagad na malawakang pumaslang at mang-aresto ng sinumang pinaghihinalaan nilang mayroong kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan at sa droga. Sa ganitong pahayag, pinatutunayan lamang ni Duterte na lahat ay target ng pasistang estado. Dahil mayroon umanong lihim na listahan ng mga, maaari itong arbitraryong dagdagan batay sa kapritso ng mga mersenaryo.

Para sa pasistang estado, ang pambansang seguridad ay walang iba kung hindi seguridad ng mga naghaharing-uri. Para saan ba ang paggawa at paglilihim ng gayong mga listahan kung hindi para manakot at pigilan ang sinumang tuligsain ito at igiit ang kanilang mga karapatan at kawalan ng anumang pagkakasala. Napakadali para kay Duterte at sa kanyang juntang militar na walang karaka-rakang mamaratang na kriminal ang sinumang naisin nila. Ganito ang estilong ginagamit nila sa paglulunsad ng malawakang crackdown laban sa mga progresibo at makabayang hanay. Ilan sa mga naging biktima na sa rehiyon ay ang mga iligal na inarestong gaya nina Dan Balucio, Sasah Sta. Rosa, Nelsy Rodriguez at Ramon Rescovilla. Gayundin ang daan-daan pang pinaslang na, kung hindi ‘nanlaban’ ay pinalalabas namang kasapi ng NPA.

Totoo nga ang kasabihan: sinumang tumuturo sa iba ay mayroong tatlong daliring nakaturo sa sarili. Sa halos anim na taong pamamaratang at pang-aatake ng rehimeng US-Duterte sa lahat na lamang ng nangangahas magsalita laban sa kanya, hindi na kailangan ng sambayanan ng kung ano pang narcolist para malaman kung sino ang tunay na drug lord at terorista: si Duterte, ang kanyang juntang militar at ang kanyang mga lokal at imperyalistang amo.

Mahigpit na nananawagan ang NDF-Bikol sa masang Bikolanong manatiling matatag at higit pang palakasin ang kanilang pagkakaisa upang labanan ang pasismo. Dapat ubos-kayang labanan ang lahat ng tangka ni Duterte na lubusin ang natitira niyang panahon sa pwesto upang mapalawig ang kanyang kapangyarihan at matakasan ang kanyang pananagutan sa mamamayan. Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!

https://cpp.ph/statements/lihim-na-narcolist-ng-mga-npa-at-drug-lord-lisensya-ng-rehimeng-us-duterte-para-sa-malawakang-pamamaslang-at-pag-aresto/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.