Wednesday, May 26, 2021

CPP/Panay ROC: 8 tropa ng militar na nasawi sa labanan, bigwas ng NPA-Panay sa pasistang AFP

Posted to the Communist Party of the Philippines Website (May 19, 2021): 8 tropa ng militar na nasawi sa labanan, bigwas ng NPA-Panay sa pasistang AFP

JULIO MONTANA
SPOKESPERSON
PANAY REGIONAL OPERATIONAL COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY

MAY 19, 2021



Read in: Hiligaynon

Binabati ng Coronacion “Waling-waling” Chiva Command, rehiyunal na kumand sa operasyon ng NPA sa Panay ang matagumpay na ambus ng isang yunit ng NPA-Panay sa ilalim ng Mt. Napulak Command sa mga nag-ooperasyong pinagsanib na tropa ng 61st IBPA at 79th IBPA sa sitio Anoy, Brgy. Cabalaunan, Miag-ao, Iloilo noong alas 10:00 ng umaga ng Mayo 15, 2021. Lima ang namatay sa aktwal na labanan, habang ang 3 sugatan ay napag-alamang nasawi din kalaunan habang ginagamot. Ang mga kaswalti ng AFP ay kinuha ng 2 helikopter sa lugar ng labanan pagkatapos ng clearing ng kanilang nagrespondeng mga tropa. Sa panig ng NPA, ligtas na nakaatras ang lahat ng pwersa pagkatapos ng ilang minutong pakikipagpalitan ng putok sa kaaway.

Ang ambus ay isinagawa ng NPA bilang aktibong depensa laban sa mga mersenaryong tropa ng 3IDPA na namamaslang, naghahasik ng takot at nanggigipit sa mga magsasaka sa Miag-ao at San Joaquin sa probinsya ng Iloilo at Sibalom at Hamtic sa probinsya ng Antique mula pa noong huling bahagi ng Enero 2021, hanggang sa kasalukuyan. Sa kasagsagan ng kanilang kampanya ng terorismo sa kanayunan na binansagang RCSP, isang binatang magsasaka sa Sibalom ang pinaslang, marami ang pinagtangkaang patayin, at Mas marami pang pinaratangang NPA, pinipilit na magsurendir at pilit pinagdedeklara ng kung anu-ano laban sa rebolusyonaryong kilusan.

Sa pahayag sa lokal na midya, 1 sugatan lamang ang inamin ng tagapagsalita ng 3IDPA mula sa nabanggit na labanan. Kagaya rin ito sa mga nakaaraang labanan sa NPA kung saan pilit na itinatago sa publiko ng mga matataas na opisyal at tagapagsalita ng 31D,PA ang kanilang mga kaswalti. Ito ba’y dahil nahihiya silang aminin na nalamangan sila sa isang laban ng NPA na paulit-ulit nilang sinasabi na humihina na? At kung totoong ikinararangal nila ang kanilang pagiging sundalo, bakit itinatago sa publiko sa halip na ipagmalaki ang mga tauhan na nasasawi sa labanan? Dahil ba umiiwas silang makita ang ngiti o marinig ang palakpakan ng mga masang biktima ng kanilang mga kalupitan at pang-aabuso sa pagkamit ng hustisya?

Dapat dagdag na magsumikap ang NPA-Panay para mas paramihin at palakasin pa ang mga taktikal na opensiba upang makakuha ng dagdag na armas at patuloy na singilin at pagbayarin ang mga pasistang tropa ng AFP at PNP sa kanilang mga napakaraming krimen laban sa mamamayan.#

https://cpp.ph/statements/8-tropa-ng-militar-na-nasawi-sa-labanan-bigwas-ng-npa-panay-sa-pasistang-afp/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.