Sunday, April 11, 2021

Kalinaw News: Suspek ng pagpatay na kinanlong ng dating NPA, arestado

Posted to Kalinaw News (Apr 11, 2021): Suspek ng pagpatay na kinanlong ng dating NPA, arestado

Camp Downes, Ormoc City – Abril 10, 2021. Dalawang araw matapos ang engkwentro sa Brgy Anislagan, Calubian, Leyte kung saan nasawi si Nicolas P. Ibanez alyas Botoy ay matagumpay na naaresto at nasampahan ng warrant of arrest ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan at kasundaluhan ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) sa munisipyo ng Calubian, Leyte na si Marlon Mendoza y Sirat, 46 na taong gulang, may-asawa, kawani (maintenance personnel) ng DPWH Villaba, at residente ng Brgy. Jubay, Calubian, Leyte kaninang ika- 5:15 ng umaga sa Brgy. Railes, Calubian, Leyte.

Matatandaang inilunsad ang isang operasyon sa pangunguna ng kapulisan ng probinsya ng Leyte noong ika-8 ng Abril sa taong kasalukuyan upang ihain ang warrant of arrest kay Mendoza subalit ito ay nakatakas kasama ang iba pang miyembro ng grupo na binuo ni alyas Botoy na dating NPA at sangkot sa mga iligal na gawain at paggamit at pagtutulak ng droga.


Ang mga kapulisan na binubuo ng Calubian MPS, LPPO-PSOG, LPPO-PIU, RSOG 8, RIU8, 2ND LPMFC, na sinuportahan ng 802nd Infantry Brigade at 93rd Infantry Battalion, sa ilalim ng patnubay ng Police Director ng Leyte Provincial Police Office, PCOL Rodelio C. Samson ay naghain ng Warrant of Arrest kay Mendoza sa kasong Murder with no bail (docketed under CC No. CN-20-933 issued by Hon. Wenifredo C Cuaton, presiding judge, Branch 11, RTC 8, Calubian, Leyte). Ang nasabing suspek ay dinala sa Calubian MPS upang sumailalim sa criminal procedures.

Ayon kay Brigadier General Zosimo A. Oliveros, ang matagumpay na pag-aresto kay Medoza ay patunay na handang gawin ng mga alagad ng batas ang lahat ng paraan upang magampanan ang tungkulin sa bayan. Aniya, mananatiling katuwang ng kapulisan ang 802nd Infantry Brigade sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Biliran, Leyte, at Southern Leyte.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/suspek-ng-pagpatay-na-kinanlong-ng-dating-npa-arestado/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.