From Kalinaw News (Mar 11, 2021): Serbisyo Caravan at Community Outreach Program Inilunsad sa Bayan ng Agusan del Sur
Bislig City, Surigao del Sur – Naglunsad ng Serbisyo Caravan at Community Outreach Program ang Pamahalaang Bayan ng San Francisco sa Agusan del Sur katuwang ang pinagkaisang pwersa ng Army’s 48th Infantry (Guardians) Battalion, Philippine National Police at iba’t-ibang sangay ng pamahalaan sa Barangay Caimpugan, San Francisco, Agusan del Sur ika -5 ng Marso 2021.
Ang naturang serbisyo caravan at outreach program sa Barangay Caimpugan ay pinangunahan ni San Francisco Mayor Solomon T. Rufila katuwang ang mga ahensiya ng Municipal Interior and Local Government Office (MILGO) , Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Engineering Office (MEO), Barangay Health Workers (BHW), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Army’s 48IB.
Iba’t-ibang serbisyo ang iginawad sa naturang lugar kung saan humigit kumulang 341 ang naiparehistro sa Philhealth, 105 ang nakatanggap ng libreng gupit, 110 sa libreng tuli at 54 na aso ang nabigyan ng animal deworming.Dagdag pa nito ang humigit kumulang 200 pirasong tsinelas na ipinamahagi, 400 relief goods at 400 benepisyaryo ng feeding program.
Ikinatuwa ni Caimpugan Punong Barangay Ian A. Salas sa isinagawang Serbisyo Caravan sa kanyang barangay. Lubos na nagpapasalamat naman si Mayor Rufila sa lahat na nakibahagi at tumulong upang maisakatuparan ang naturang programa bunga ng pagkakaisa ng mga ahensiya na siyang naaayon sa Executive Order No. 70 o ang Whole of Nation approach.
Ayon kay Lieutenant Colonel Enrique G. Rafael, Acting Commanding Officer ng 48IB , “Sa pagtutulungan natin gabay ang Executive Order No. 70 o ang pagkakatatag ng Whole of Nation Approach na siyang batayan sa pagbuo ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) naibabahagi natin sa ating mga kababayan ang mga programa at proyekto na nararapat sa kanila. Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa tunay na makakamit natin ang kapayapaan, kaayusan at kaunlaran sa ating barangay maging sa ating bayan. Kaisa niyo ang 48IB.”
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/serbisyo-caravan-at-community-outreach-program-inilunsad-sa-bayan-ng-agusan-del-sur/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.