Friday, December 11, 2020

Kalinaw News: PAGRO at PFO namahagi ng serbisyo sa Peoples Organizations

Posted to Kalinaw News (Dec 11, 2020): PAGRO at PFO namahagi ng serbisyo sa Peoples Organizations



Malita, Davao Occidental – Namahagi ang Provincial Agriculture Office (PAGRO) ng Davao Occidental at Provincial Fishery Office (PFO) ng Sarangani Province ng kanilang serbisyo upang tumulong sa mga Peoples Organization na nasa sinasakupan ng Bravo Company, 73IB, 10ID, PA nitong araw ng Disyembre 10, 2020.

Nagbigay ng gamit pang-saka, sampung (10) balot ng binhi ng gulay at sampung (10) sako ng binhi ng mais ang PAGRO upang ipaabot sa asosasyon ng MATAKA, KILAGUFA, KIMAFA at MAFA na matatagpuan sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Samantala, sa probinsya ng Sarangani ay namahagi naman ng 30,000 tilapia fingerlings ang PFO upang ibigay sa Canvas One Farmers Association na kung saan pinagyaman naman ng mga miyembro at mga kasundaluhan ang parte ng lawa at ginawang palaisdaan sa lugar ng Sitio Canvas, Brgy Datal Bukay, Glan, Sarangani Province.

Sa panayam ni Hon. Rodolfo Mabuhay, Punong Barangay ng Datal Bukay, kanyang nabanggit ang pagbabago ng Sitio Canvas nang magkaroon ng kabuhayan ang komunidad. “Nang magkaroon ng CDT ang lugar ay malaki ang pinagbago nito. Umayos ito kumpara noon. Nagkaroon ng hanap-buhay ang mga tao at naging responsable ang mga ito,” kanyang nasabi.

Samantala, nabanggit ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang layunin ng 73rd IB sa pag-organisa ng mga asosasyon sa kanilang “area of responsibility”. “Noon
talamak ang insurgensiya sa mga liblib na lugar. Kung kaya, nag-organisa kami ng samahan o asosasyon upang maging isa at magabayan ang isang komunidad sa mga dapat gawin. Tinulungan din namin silang nagpasimula ng kabuhayan na siya namang sinusuportahan ng mga ahensya ng pamahalaan,” kanyang ibinahagi.

Ang pagtutulungan ng mga ahensya ay direktang sumusuporta sa EO No. 70 na ibinabang direktiba ng administrasyong President Rodrigo R Duterte. Tinitiyak nito ang pagtatagpo at pagkakaugnay-ugnay ng iba’t – ibang ahensya sa pagsugpo ng kahirapan na dinaranas ng taumbayan.





[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/pagro-at-pfo-namahagi-ng-serbisyo-sa-peoples-organizations/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.