Thursday, November 5, 2020

Kalinaw News: Seguridad sa lalawigan ng Sarangani, tinututukan ng commander ng central Joint Task Force

Posted to Kalinaw News (Nov 6, 2020): Seguridad sa lalawigan ng Sarangani, tinututukan ng commander ng central Joint Task Force



CAMP Siongco, Maguindanao – Bumalangkas ng mga hakbang panseguridad ang pamunuan ni Major General Juvymax R. Uy, ang Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central para sa lalawigan ng Sarangani. Ito ang tinalakay sa pagbisita ng Commander ng JTF Central kay Governor Steve Chiongbian Solon sa kapitolyo ng probinsiya sa bayan ng Alabel nitong ika-4 ng Nobyembre 2020.

Iprinisinta din ni Maj. Gen. Uy kay Governor Solon ang bagong Commander ng Joint Task Force Gensan na si Col. Galileo Goyena Jr. at 603rd Brigade Commander Col. Eduardo Gubat. Dagdag pa dito ang bagong nasasakupang lugar ng 38 Infantry Battalion.

Sa nasabing pagpupulong, pinag-usapan ang ilan pang mga lokal na elemento na naging banta sa seguridad sa probinsya ng Sarangani, ang ‘radicalization’ ng ilang mga paaralan at ang papel ng religious sector para masawata ang terorismo sa lugar.

Suportado din ni Maj. Gen. Uy ang mga ipinapatupad na health protocols ng pamahalaang panlalawigan ng Sarangani kung saan katuwang ang mga sundalo ng 6ID bilang mga frontliners sa panahon ng pandemya.





https://www.kalinawnews.com/seguridad-sa-lalawigan-ng-sarangani-tinututukan-ng-commander-ng-central-joint-task-force/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.