Thursday, November 5, 2020

Kalinaw News: Bomber na Sub-lider ng Dawlah Islamiya, patay sa Law Enforcement Operation sa Sultan Kudarat

Posted to Kalinaw News (Nov 6, 2020): Bomber na Sub-lider ng Dawlah Islamiya, patay sa Law Enforcement Operation sa Sultan Kudarat



CAMP Siongco, Maguindanao – Napatay ang pinaniniwalaang bomber na sub-lider ng Dawlah Islamiyah sa inilatag na law enforcement operation ng pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang mga units ng pulisya at militar sa Barangay Saliao, Esperanza, Sultan Kudarat nitong ika-4 ng Nobyembre 2020.

Kinilala ang suspek na si Jazzer Nilong alias Khalid na nasawi makaraang manlaban sa tropa ng pamahalaan matapos na matunugan nito na tinitiktikan siya ng mga awtoridad.

Umabot ng dalawang minuto ang palitan ng putok ng pangkat ng pamahalaan at ng suspek sa isang Inn sa Purok Hiligaynon sa nasabing lugar hanggang sa tuluyang nasawi ang suspek.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang kalibre .45 na baril at isang magazine na loaded ng apat na rounds na mga bala; ilang mga sangkap ng pampasabog kayaga ng 60mm na bala ng mortar, rifle grenade, electric blasting cap, battery size D, dalawang improvised non-electric blasting cap, apat na fired cartridge case ng kalibre 9mm at dalawang heat-sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Ang suspek ay may warrant of arrest at nahaharap sa kasong Frustrated Murder, idinadawit din sa pagpatay kay P/Cpt. Herman Gabat at suspek sa pambobomba sa General Santos City.

“Joint Task Force Central together with other law enforcement agency are committed to defeat terrorist and armed peace spoilers”, ang naging pahayag ni Major General Juvymax R. Uy, Commander ng 6ID at ng Joint Task Force Central.

https://www.kalinawnews.com/bomber-na-sub-lider-ng-dawlah-islamiya-patay-sa-law-enforcement-operation-sa-sultan-kudarat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.