Posted to Kalinaw News (Nov10, 2020): Pagsuko ng 6 na NPA kabilang ang 2 nilang Medics, malaking kawalan sa Kilusan
CAMP Siongco, Maguindanao – Malaking kawalan para sa humihinang kilusan ng teroristang grupo na Communist Party of the Philippines –New People’s Army– Terrorist ang patuloy na pagsuko at pagbalik loob sa pamahalaan ng kanilang mga kasapi. Ito ang sinabi ni Major General Juvymax R. Uy, ang Commander ng 6th Infantry Division at ng Joint Task Force Central kamakailan matapos ang sunod-sunod na pagsuko ng mga dating rebelde sa lugar na nasasakupan ng JTF Central.
Pinakahuli dito ay ang anim nilang kasamahan na sumuko sa 6th Infantry (Redskin) Battalion na iprinisinta kay Maj. Gen. Uy sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao nitong ika-6 ng Nobyembre 2020.
Ang anim ay kinabibilangan ng kanilang medic, assistant medic, isang team lider at tatlong miyembro kung saan kasama nilang isinuko ang bitbit nilang mga armas na isang M16 rifle, kalibre .30, isang Garand rifle, dalawang M79 rifle, isang kalibre .45. Lahat ng ito ay may mga magazine at mga bala.
Tatlo sa mga sumuko ay residente ng Lebak, Sultan Kudarat habang ang tatlong iba pa ay nakatira naman sa Upi, Maguindanao.
“Patunay lamang ito na patuloy ng humihina ang kanilang kilusan at hindi totoo ang mga ipinangako ng mga teroristang grupo”, ang naging pahayag ni Maj. Gen. Uy.
“Sobrang gutom at pagod ang aming nararanasan sa patuloy na pagtago sa mga kabundukan sa walang silbing pakikibaka. Dahil sa pandemya, mas lalo kaming naghihirap dahil limitado ang aming galaw, dahil sa mga quarantine checkpoints ng gobyerno”, ang madamdaming salaysay ng isa sa mga dating rebelde.
“There are infightings within the movement, among the leaders and the members of these CNTs which led to the surrender of the combatants. With these, we are delighted to note that a number of CNTs have accepted the offer of the government and return to the folds of law while restarting to live a normal life”, giit pa ng Commander ng 6ID.
Dahil dito, patuloy na nananawagan si Maj. Gen. Uy sa mga nagkamali ng landas na tinahak na iwaksi na ang kilusan at magbalik loob sa gobyerno para sa mas mapayapa at tahimik na pamumuhay.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.