Posted to Kalinaw News (Nov11, 2020): CSP, instrumento sa pagsuko ng Kumander ng NPA at anim pang kasamahan
Malita, Davao Occidental – Malaking kawalan sa kilusan ng DGF 51 at WGF 71 ang pagsuko at pagbabalik-loob ng kumander, politikal instructor (PI), apat na miyembro ng New Peoples Army at isang Yumil sa pamamagitan ng 73rd Infantry Battalion.
Dahil sa presensiya ng Community Development Team sa kabundukan, sumuko ang pitong (7) miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga kasundaluhan. Dalawa (2) sa kanila ay residente ng Purok Mamaon, Brgy Sibulan, Toril District, Davao City. Tatlo (3) naman ang sumuko sa munisipyo ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. Samantala, ang kumander at PoIitical instructor na nagbalik-loob ay residente ng Sarangani Province. Kasama naman sa ibinaba ng isang Yunit milisya (Yumil) na si alyas Ham ang isang Springfield Rifle.
Ibinahagi ni alyas Jary, isang kumander at alyas Angela sa isang panayam na isinagawa sa kanila, na walang katuturan ang kanilang pagsama sa mga teroristang NPA. “Dahil sa pagkabuwag ng Grupo namin at kawalan ng lakas na ipagpatuloy ang aming ginagawang panloloko sa mamamayan, kami ay nagdesisyon na sumuko na. Marami sa aming dating kasamahan ang sumuko na rin at nakakain pa nang maayos,” sabi ni alyas Jary.
Malugod namang tinanggap ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Pinuno ng 73IB, ang mga nagsisukong miyembro ng CTG at nangakong tutulungan silang maisama sa programa ng pamahalaan pamahalaan sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
“Ang mga kasundaluhan ng 73IB sa ilalim ng 10th Infantry Division ay kasalukuyang nasa kabundukan at kaisa ang mga ahensya ng gobyerno upang matulungan ang komunidad na magkaroon ng kabuhayan. Sa pamamagitan nito, hindi na mararanasan ng taumbayan ang hirap dahilan para sumapi sa teroristang grupo” kanyang dagdag.
Sa pagkabuwag ng CTG sa lugar, ang mga kasundaluhan ay buong-pwersang ipagpapatuloy ang nagawang tagumpay at asahang magkakaroon pa ng karagdagang susukong mga kasapi ng kilusan na gusto nang magbagumbuhay.
https://www.kalinawnews.com/csp-instrumento-sa-pagsuko-ng-kumander-ng-npa-at-anim-pang-kasamahan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.