TACLOBAN CITY, Setyembre 10 (PIA) -- Tagumpay nang kampanyang ELCAC sa Silangang Bisayas, pag-iibayuhin pa upang makamtan ang lubos na kapayapaan at kaunlaran. Ito ang isiniwalat ni MGen Pio Diñoso, commander ng 8th Infantry Division sa pakikipanayam ng Philippine Information Agency kamakailan.
Ayon kay MGen. Diñoso, TWG Chair ng RTF8- ELCAC, nabuwag na ang dalawa sa target na limang guerilla fronts sa Eastern Visayas ngayong taon.
“Ito yong sa central Samar area at ang pangalawa ay yong sa north portion ng Samar province,” ani Diñoso.
Tiwala si Diñoso na mas pag-iibayuhin pa ang kampanya para mapagtagumpayan ang layuning lima sa siyam na guerilla fronts na nag-ooperate sa tatlong probinsiya ang madidismantle ngayong taong ito.
Una nang nabuwag ang dalawang guerilla fronts sa Leyte, Southern Leyte at Biliran noong 2019.
“Ibig sabihin po niyan ay ang mga residente, mga Samarnon ay hindi na mapepeste ng mga NPA...Pwede na silang mabuhay with normal lives.”
Kinilala naman ng Heneral ang epektibong pagtutulungan ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan at ng mga mamamayan para mapagtagumpayan ang kampanyang magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa dakong ito ng Pilipinas. (PIA-8)
https://pia.gov.ph/news/articles/1052812
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.