KARINA MABINI
SPOKESPERSON
KM-SOUTHERN TAGALOG
KABATAANG MAKABAYAN
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
SEPTEMBER 11, 2020
Likas sa tao ang paghahangad ng isang maalwang buhay para sa sarili at sa pamilya. Sa proseso ng pag-abot nito, unti-unti tayong namumulat sa katotohanang ang pagkamit ng marangal na pamumuhay ay nakasalalay sa pagbubuo ng isang lipunang may pagkakapantay-pantay at sa pagwawaksi ng pagsasamantala. Bagamat masalimuot ang landas na kailangang tahakin, ang nag-uumapaw na pag-ibig sa pamilya at sa bayan ang humihimok sa kabataan na gumawa ng mga desisyong hindi pangkaraniwan.
Isinabuhay ni kasamang Rona Jane Manalo ang kwento ng bawat kabataang nananalig na sa pamamagitan ng pakikibakang nilalahukan ng pinakamalawak na pwersa ng sambayanan matatamasa ng bawat tao ang isang buhay na marangal at makabuluhan.
Mula sa uring magsasaka sa Sariaya, Quezon, dama ni Rjei ang pasakit na dulot ng buhay sa kanayunan na pinapalala ng militarisasyon. Ang karanasan ng kanyang pamilya ang nagsilbing batayan upang magagap niya ang pangangailangan para sa tunay na panlipunang pagbabago.
Kasagsagan ng kampanya laban sa 300% tuition and other fees increase nang pumasok si Rjei sa UP Los Baños taong 2006. Sa ilalim ng administrasyon ni dating UP President Emerlinda Roman, tumindi ang kumersiyalisasyon ng edukasyong UP na nagbunsod ng mga anti-estudyante at anti-mamamayang polisiya tulad ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP), jeepney rerouting, at pagpapaalis sa mga ambulant vendors sa campus. Sa pambansang antas, naging malakas ang kilusang-talsik laban sa pasistang rehimen ni Gloria Arroyo na binatbat ng kabi-kabilang isyu ng pandaraya at kurapsyon tulad ng “Hello, Garci” at NBN- ZTE deal scandal. Sa aktibong pakikilahok ni Rjei sa mga usaping ito, unti-unti siyang nahubog bilang lider-estudyante at mass leader.
Naging tagapamuno si Rjei ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) sa College of Forestry and Natural Resources. Minsan din niyang pinangarap na kasama niyang magmamartsa ang laksa-laksang estudyante mula sa Forestry pababa sa tarangkahan ng pamantasan upang isanib ang lakas ng kabataan sa mga manggagawa at magsasaka. Punong-puno ng emosyon ang kanyang mga talumpati at sadyang nakapagpapataas ng diwa ang pananalig niya sa kakayahan ng kabataang ibuhos ang panahon para sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
Bilang tagapamandila ng karapatan ng kababaihan, naging chairperson si Rjei ng Gabriela Youth UPLB. Bukod sa pangunguna sa mga aktibidad ng Women Against Repression, inalalayan niya ang mga kasama sa tamang pakikitungo sa mga kababaihan at may piniling kasarian. Malaki ang naging ambag niya sa pagsasapraktika ng mga prinsipyo at wastong aktitud na gumagabay sa kilusang kababaihan bilang kabahagi sa pakikibaka laban sa mas masaklaw na pagsasamantalang nakabatay sa uri.
Naging matalas si Rjei sa pagsipat sa kalagayang panlipunan. Makikita ito sa mahigpit na pagkapit niya sa mga rebolusyunaryong prinsipyong gumagabay sa pakikibaka para sa mga demokratikong karapatan at sa pagpapasya niyang maging full time na aktibista. Sa panahon ng lumalalang isyu ng militarisasyon sa unibersidad sa pangunguna ni OSA Director Vivian V. Gonzalez at sa sistematikong pandarahas sa mamamayan ng Timog Katagalugan sa ilalim ng pasistang rehimen ni Arroyo, nahanap ni Rjei ang pangangailangang sumapi sa Kabataang Makabayan (KM). Kinakitaan siya ng masikhay na pagpapalaganap ng ideolohiya ng pambansang demokratikong rebolusyon.
Kasabay ng kanyang pagkilos sa pamantasan, inihanda na ni Rjei ang kanyang sarili na tugunan ang higit pang pangangailangan para sa mga organisador na mag-aalay ng kanilang oras at talento upang isulong ang kagalingan ng iba’t ibang sektor ng lipunan. Masigasig niyang inunawa ang kalagayan ng mas malawak na hanay ng mamamayan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga kampanyang masa, tulad ng mga malakihang strike ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan, pagpapatigil sa mga tangkang demolisyon sa mga maralitang komunidad, at partisipasyon sa gawaing elektoral noong 2010. Sa panahong ito, nagsilbi siya bilang Secretary-General ng Gabriela-Southern Tagalog habang tinitiyak na makapagtatapos sa pag-aaral.
Sa mahabang panahon, buong-buong niyakap ni Rjei ang salalayang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo-Maoismo ng Partido Komunista ng Pilipinas at mariin siyang tumalima dito sa abot ng kanyang makakaya. Bilang isang kadre, naging pasensyosa si Rjei sa pagpapaliwanag sa mga kakilala at maging sa mga kasapi. Kinakitaan siya ng natural na karisma na kinagiliwan ng mga taong nakasalamuha niya. Sa tuwing kasama siya sa pagkilos, napapagaan ang bigat ng mga gawain ng nakahahawang pagmamahal at pagkalinga niya sa mga kasama at sa sambayanan.
Sa kabila ng bigat ng gampanin sa Partido, hindi isinantabi ni Rjei ang kanyang tungkulin bilang isang kapatid at anak. Batid ng mga kasama na may mga pagkakataong dumarating siya sa sangandaan ngunit hindi natinag ang kanyang pagsisikap na magpatuloy nang hindi binibitiwan ang kanyang mga personal na responsibilidad. Bilang patunay, nagabayan niya ang kanyang kapatid na estudyante hanggang ito ay makapagtapos sa pag-aaral, sa tulong na rin ng mga kasama.
Hanggang sa kanyang mga huling araw, minarapat ni Rjei na isapraktika ang pagiging makabayang siyentista bilang isang masikhay na tagapagtanggol ng kalikasan at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo at magsasaka. Sinikap niyang itawid ang kanyang kaalaman mula sa toreng garing ng pamantasan patungo sa masalimuot na reyalidad ng kanayunan. Tumulak siya sa Mindoro upang makipamuhay sa uring magsasaka at katutubong Mangyan na kumakaharap sa militarisasyon, pandarambong sa likas-yaman, at pagsira sa kalikasan dulot ng mga anti-mamamayang proyektong pangkaunlaran tulad ng Mindoro Nickel Project ng kumpanyang Intex Resources. Dahil sa masigasig na kampanya ng masa doon, napigilan ang panunumbalik ng operasyon ng Intex Resources noong 2015.
Ang kabuuan ng kanyang karanasan simula sa pagkamulat hanggang sa pagiging full-time na organisador ang nagtulak kay Rjei upang tanganan ang pinakamataas na porma ng pakikibaka bilang Pulang Mandirigma, kasama ng magsasaka at katutubo laban sa mga mapaminsalang proyekto at pasismo ng estado. Mula sa Kabataang Makabayan Timog Katagalugan, pinakamataas na pagpupugay para kay kasamang Rjei Manalo sa kanyang buhay na inaalay para sa sambayanan. Ang panahon at lakas na kanyang inilaan para sa pakikibaka ay isang dakilang ambag para sa tiyak na pagtatagumpay ng digmang bayan. Kabataan, paghalawan ng aral ang buhay ni kasamang Rjei.
Paglingkuran ang sambayanan!
Tumungo sa kanayunan!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
https://cpp.ph/statements/pinakamataas-na-pagpupugay-para-kay-rona-jane-ka-ren-manalo-mabuting-anak-ng-bayan-at-martir-ng-sambayanan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.