Friday, September 18, 2020

Tagalog News: CAFGU training kontra terorismo sa Mindoro, sinimulan na

From the Philippine Information Agency (Sep 17, 2020): Tagalog News: CAFGU training kontra terorismo sa Mindoro, sinimulan na (By Dennis Nebrejo)


Kasalukuyang nagsasanay ang 120 CAFGU trainees sa 203rd Infantry Brigade sa bayan ng Bansud na siyang makakasama ng mga sundalo sa pagpapatrolya sa kabundukan para sa paglaban sa mga terorista at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong isla ng Mindoro. (kuha ng 203rd Infantry [Bantay Kapayapaan] Brigade)

BANSUD, Oriental Mindoro, Setyembre 17 (PIA) -- Nagsimula na kamakailan sa pagsasanay ang grupo ng Civilian Armed Forces Government Unit (CAFGU) sa punong himpilan ng 203rd Infabtry Brigade (Bantay Kapayapaan) sa bayang ito na siyang makakatuwang ng mga sundalo bilang panlaban sa terorismo at tagapangalaga ng kapayapaan sa buong isla ng Mindoro.

Sa 120 nagsasanay, 12 dito ay mga katutubong Mangyan na dadaan sa 45 araw na Basic Military Training kung saan kasama ang pagpapalakas ng katawan, kasanayan sa paggamit ng mga armas, kaalaman tungkol sa pagpapahalaga ng karapatang pantao at pagsasailalim sa pagsusuring pisikal at medikal na isinagawa ng 2nd Army Station Hospital upang masiguro ang pisikal at mental na kahandaan.

Ayon kay 203rd Brigade Commander, Col. Jose Augusto V Villareal, “ako ay naniniwala na malapit na nating makamit ang tunay na kapayapaan sa buong isla sa tulong ng mamamayan at mga ahensiya ng gobyerno.”

Dagdag pa ng opisyal, malaki ang maiaambag na tulong ng CAFGU sa pangangasiwa ng kapayapaan at kaayusan kasama ang mga opisyales ng barangay na kalakip ng serbisyo ang pagsasakripsyo para sa kanilang pamilya at sa inang bayan. (DPCN/PIA-OrMin)

https://pia.gov.ph/news/articles/1053436

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.