From the Philippine Information Agency (Sep 17, 2020): Tagalog News: 203rd Infantry Brigade commander, pinapurihan ang AFP at PNP (By Voltaire N. Dequina)
Sinabi ni Col Jose Augusto Villareal, pinakamainam sa mga kasapi ng CTG na sumuko na at magbalik loob sa pamahalaan. (RS/CMO 203rd Inf Bde)
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Setyembre 17 (PIA) -- Pinapurihan ni Col Jose Augusto Villareal, Commander ng 203rd Infantry Brigade, ang pinagsanib na pwersa ng mga sundalo at pulis na naka-engkwentro kamakailan ng mga mga kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Taboy-taboy, Brgy Gapasan, Magsaysay.
Sa kanyang official statement kaugnay ng insidente, kinilala ni Col Villareal ang mabilis na tugon ng mga tauhan ng 4th Infantry Batallion at Magsaysay Police Station sa report na may presensya ng isang grupo ng makakaliwa sa nabanggit na barangay. Nauwi ito sa sagupaan na aniya ay isa na namang tagumpay ng pamahalaan kung saan walang nasaktan sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at narekober sa pinangyarihan ang 9mm pistol, improvised explosive devices, rifle grenade, mga subersibong dokumento at iba pa.
Batay sa ulat ni 4th IB Commander Lt Col Alexander Arbolado, ang mga nabanggit na CTG ay kasapi ng Platoon Serna ng Komiteng Larangang Gerilya Mark Anthony Velasco na nagsasagawa ng extortion.
“Mga lokal na residente ang nagbigay ng impormasyon at agad nating inatasan ang ating mga tauhan na makipag-ugnayan sa Magsaysay MPS upang umaksyon at tulungan ang ating mga mamamayan,” saad ni Lt. Col Arbolado.
Dahil sa mabilis na pagtugon ng tropa ng pamahalaan ay naabutan nila ang mga CTG at humantong sa limang minutong palitan ng putok ng magkabilang panig. Tumakas patungo sa iba’t ibang direksyon ang mga rebelde at naiwan ang isa nilang kasamahang amasona na nasawi.
Kasunod ng papuri sa kasundaluhan at kapulisan ay nagpahayag din si Col. Villareal ng panghihinayang sa namatay na amasona na aniya ay maaring namumuhay ng normal ngayon kung hindi nalinlang ng CTG. Dagdag pa ng opisyal, nakahanda ang pamahalaan na gamitin ang pwersa nito sa kalupaan, himpapawid at karagatan upang patuloy na labanan ang mga terorista at papanagutin ang mga ito sa batas.
Sinabi rin ng Commander ng 203rd Infantry Brigade na pinakamainam sa mga kasapi ng CTG na sumuko na at magbalik loob sa pamahalaan. Aniya, sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) tutulungan ang mga ito (CTG) na makabalik sa mapayapang pamumuhay.
Samantala, nanawagan naman si Magsaysay Mayor Cesar Tria sa kanyang mga mamamayan na nalinlang at may simpatiya sa CTG na tigilan na ito at ibalik ang suporta sa pamahalaan. Tiniyak din ng alkalde na handang tumulong ang kanyang administrasyon sa mga rebeldeng magbabalik- loob para sa pagbabagong buhay ng mga ito. (VND/PIA MIMAROPA)

https://pia.gov.ph/news/articles/1053398
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.