Friday, September 18, 2020

Kalinaw News: Apat na PO nabenepisyuhan sa kagamitan na ibinahagi ng Ronda Probinsya Program

Posted to Kalinaw News (Sep 18, 2020): Apat na PO nabenepisyuhan sa kagamitan na ibinahagi ng Ronda Probinsya Program

Malapatan, Sarangani Province – Apat (4) na Peoples Organization ang nabenepisyuhan sa mga kagamitan na ibinahagi ng Ronda Probinsya alang sa Kalinaw Program ni Congressman Rogelio Pacquiao sa Gymnasium ng Brgy Upper Suyan ng nasabing bayan kahapon, Setyembre 16, 2020.

Kasabay ng paglunsad ng Project TALA (TESDA Alay ay Liwanag at Asenso), nagkaroon ng simpleng “turn-over ceremony” ang opisina ni Congressman Rogelio Pacquiao na nirepresentahan ni Atty. Ryan Jay Ramos, ang kanyang Chief of Staff, ng kagamitan sa 4 na asosasyon ng Brgy Upper Suyan.

Ang 4 na asosasyon ay Sasato Farmers Association, Mahayag Sasato Organization, Matlusi Farmers Organization at Upper Kiogam Farmers Association na matatagpuan lahat sa baranggay.

Sila ay nakatanggap ng gamit pangsaka gaya ng pala, piko, lagaraw, guna, bara, tie wire, knapsack sprayer, martilyo, mga klase ng punla, at mga pako. Namigay din sila ng kagamitan para sa paggawa ng palikuran gaya ng inidoro, timba, tabo at semento hindi lamang para sa mga asosasyon pati na rin sa buong komunidad.



Sa mensahe na nais iparating ni Lt. Col. Ronaldo G. Valdez, Kumander ng 73IB, ang kanyang buong pusong pasasalamat kay Cong. Pacquiao.

“Dahil sa programa, kakaibang kasiyahan ang makikita sa mukha ng mga miyembro lalo na ang mga dating kasapi ng New Peoples Army (NPA) na kasama sa aktibidades. Maggagamit nila ito sa pagpapalago ng kanilang nasimulang mga tanim,” kanyang dagdag.

Para sa inpormasyon ng nakakarami, ang Ronda Probinsya Program ay magbibigay ng kagamitan na nagkakahalaga ng PhP 20,000.00 sa lahat ng mga asosasyon maging sa mga patrol bases ng probinsya. Nakapagbigay na sila sa 7 asosasyon at magbibigay pa sila sa iba pang mga asosasyon sa susunod na mga linggo.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/apat-na-po-nabenepisyuhan-sa-kagamitan-na-ibinahagi-ng-ronda-probinsya-program/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.