SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
AUGUST 24, 2020
Pabaya, inutil at walang kwenta si Duterte sa pagharap sa krisis ng COVID-19. Sa kabila na ang Pilipinas ang nagpatupad ng pinakamahabang lockdown sa buong daigdig, hindi napigilan bagkus patuloy sa pagtaas ang bilang ng mga kaso at pagbilis ng paglaganap nito sa bansa, lalo sa hanay ng mga manggagawa. Wala na ngang maayos na serbisyong pangkalusugan at subsidyo, isinasapeligro pa ni Duterte ang buhay ng sambayanan sa pagpapabalik sa kanila sa trabaho nang wala man lang maayos na programa sa pagsasansala sa sakit at bigyan ng proteksyon ang mamamayan.
Isang napakalaking hangal ni Duterte para magtaka kung bakit higit na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at naging numero uno pa sa may pinakamaraming kaso nito sa Timog Silangang Asya. Sa buong bansa, umabot na sa 187,249 ang kaso ng ng nagkasakit ng COVID-19 at 2,966 ang namamatay batay sa naitala nitong Agosto 22.
Sa Laguna pa lamang, lumagpas na sa 4,000 ang kaso ng COVID-19, katumbas ng 55% ng kabuuang tantos ng mga kaso sa CALABARZON. Karamihan sa mga naitalang may kaso nito ay mga manggagawa.
Tigas-mukhang sinisisi ni Duterte ang mga Pilipino sa pagkalat ng COVID-19 at pagdami ng kaso dahil diumano’y walang disiplina sa panahon ng lockdown. Nais pagtakpan ng rehimen na kagagawan ni Duterte ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Kapalit ng kikitain ng gubyerno mula sa industriya ng turismo at pasugalan, pahintulutan ni Duterte ang pagpasok ng 500,000 turistang Tsino na ang karamihan ay nagmula sa Wuhan, China gayundin ang operasyon ng mga POGO na pag-aari ng mga sugarol na Tsino.
Minaliit lamang ni Duterte ang panganib ng COVID-19 sa pampulikong kalusugan at walang ginawang seryosong paghahanda para patibayin ang imprastruktura at serbisyong pangkalusugan ng bansa para labanan ang pandemya. Ipinagkakait ni Duterte ang mass testing at libreng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan habang kabi-kabilang ninanakaw ang pondo ng bayan ng pamilyang Duterte at kanyang mga kroni sa pamamagitan ng mafia na na nasa Deparment of Health at PhilHealth.
Ginawang gatasan ng mga burukrata-kapitalista at pangkating Duterte ang mahigit isang trilyong badyet ng Bayanihan to Heal as One (BAHO) na mas nabibigay ng pabor sa interes ng malalaking negosyo kaysa kolektibong kagalingan ng mamamayan.
Maaga pang nalantad ang mga maanomalyang transaksyon sa pagbili ng personal protective equiptments (PPE’s) at mas mahal na rapid testing kit mula ibang bansa na di mapagkakatiwalaan ang resulta sa kabila na may mas mura at epektibong testing kit na pinaunlad ng UP. Dinadambong din ang ilandaang bilyong pondo na laan para sa Social Amelioration Program ng DILG at DSWD at katulad na programa ng DOLE para sa mga manggagawa at OFW.
Partikular sa sektor ng manggagawa, mas inuna pa ng reaksyunaryong gubyerno ang interes ng mga kapitalista na makabawi sa bumagsak na ekonomiya kaysa sa kalusugan ng mga manggagawa. Naunang nagpataw ang reaksyunaryong gubyerno at mga kapitalista ng iskemang “no work, no pay” na nagresulta para mawalan ng kabuhayan ang mga manggagawa noong lockdown. Imbes na makaluwag, naging mas problemado ang mga manggagawang nakabalik sa pagawaan dahil mas bulnerable sila ngayong mahawahan ng COVID-19. Patuloy ang pagbingi-bingihan ng administrasyon sa kanilang daing na mass testing at pagkakaloob ng mga personal protective equipment (PPE) bago bumalik sa trabaho. Nagdulot naman ng dagdag na risgong magkahawahan ng sakit ang pagbabawal sa pagbyahe ng mga jeep dahil nagresulta ito sa kakulangan ng mga sasakyan at pag-ipon sa kalsada ng mas maraming taong walang masakyan.
Kamakailan, binawi pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang kautusan na nag-oobliga sa mga kapitalista na ipa-swab test ang lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa kanilang pagawaan. Tiklop ang tuhod ng DOLE sa reklamo ng mga kapitalistang ayaw gumastos para sa mga manggagawa at gustong mapreserba ang kanilang tubo.
Sa Laguna kung saan nakakonsentra ang pinakamalalaking engklabong industriyal, hindi ipinapatupad ng mga kapitalista ang mga hakbanging pangkalusugan sa panahon ng COVID-19. Hindi inoobliga ng lokal na gubyerno at lokal na ahensya ng DOLE ang mga kapitalistang sundin ang mga health protocols sa mga pagawaan. Napakabagal ng DOLE at 73 pa lamang sa 2,428 pagawaan sa probinsya ang kanilang nagawan ng inspeksyon.
Noong Hulyo 30, naiulat na may 290 manggagawa ng Nidec Philippines ang nagpositibo sa rt-PCR tests. Masaklap pa, iniulat na walang plano ang Nidec para sa mga manggagawang ito liban sa isang 24-oras na temporary shutdown para sa general disinfection. Naiulat din na may mga positibong kaso ng COVID-19 sa Gardenia Bakeries Philippines, Inc., F. Tech Philippines Manufacturing, Inc., Alaska Milk Corporation, Coca-Cola FEMSA Santa Rosa, Imasen Philippine Manufacturing Corporation, Technol Eight Philippines Corporation, Optodev Inc., Interphil Laboratories, Edward Keller Philippines, Toshiba Philippines, at Nexperia Philippines.
Sa harap ng pandemya, naoobliga ang mga manggagawa na suungin ang panganib na magkasakit para lamang kumita. Walang ibang dapat panagutin kundi ang rehimeng US-Duterte na ang tanging isinusulong sa gitna ng pandemya ay ang malupit na lockdown sa ilalim ng kanyang tiranikong paghahari.
Sa harap ng krisis at kahirapan sa bansa na pinalala pa ng COVID-19, lumalakas ang pagkakaisa ng masang anakpawis para labanan ang militaristang mga patakaran ng rehimen at igiit ang kanilang karapatan sa serbisyong panlipunan. Ang mga manggagawa ang nangunguna sa pakikibaka ng bayan para singilin si Duterte sa kanyang kriminal na pagpapabaya at labanan ang itinatayong diktadura ng rehimen. Buung-buong sinusuportahan ng Pulang Hukbo ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa pangangalaga sa kanilang kapakanan at kalusugan sa panahon ng COVID-19 at sa matagal na nilang laban para sa sapat na sahod, regularisasyon at mga serbisyong panlipunan.
Nananawagan ang Melito Glor Command – New People’s Army Southern Tagalog sa mamamayang Pilipino na magkaisa para lutasin ang krisis dulot ng COVID-19. Suportahan at isulong ng masang anakpawis ang digmang bayan na lalagot sa pagsasamantala at pang-aapi ng rehimeng US-Duterte. Sa tagumpay ng armadong rebolusyon, mawawakasan ang paghahari ng imperyalismong US at mga lokal na naghaharing-uri tulad ni Duterte at kanyang mga kasapakat. Itatayo natin ang demokratikong gubyernong bayan na magtataguyod sa interes ng mga manggagawa at lahat ng aping uri.###
https://cpp.ph/statements/singilin-si-duterte-sa-dumaraming-kaso-ng-covid-19-sa-mga-manggagawa/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.