SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
AUGUST 24, 2020
Nakatanghal ang mga sandata ng lahat ng yunit ng Melito Glor Command-NPA ST bilang pagdakila kina Dioscorro “Ka Termo” Cello, Alex “Ka Omar” Perdeguera, at Rey “Ka Danny” Masinas, mga magigiting na Pulang kumander at mandirigma ng NPA na nagbuwis ng kanilang buhay sa labanan sa Sitio Balatkahoy, Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna noong Agosto 4. Tunay silang mga bayani ng rebolusyon at sambayanang Pilipino na buung-buong ibinigay ang kanilang sarili sa adhikaing maitatag ang isang masagana, malaya at makatarungang lipunan. Inspirasyon ang kanilang kagitingan at matapat na paglilingkod sa rebolusyon sa lahat ng nakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.
Naging magigiting na tagapagtanggol ng sambayanang inaapi sina Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny dahil sila mismo ay nagmula sa uring inaapi.
Si Ka Termo ay namulat sa pamilyang magsasaka na kalauna’y naging mala-manggagawa. Sumapi siya sa NPA noong 1992. Mandirigma pa lamang ay nakitaan na siya ng mga kasama ng potensyal at hindi nagtagal ay naging isa sa mga Pulang kumander ng probinsya ng Rizal. Pinamunuan niya ang ilang matatagumpay na taktikal na opensiba na nagkumpiska ng armas mula sa kaaway at naggawad ng rebolusyonaryong hustisya sa mga abusadong pulis at militar. Iginagalang siya ng mga kasama bilang pinuno at malapit sa masang kanyang nakakasalamuha.
Matatag na itinaguyod ni Ka Termo ang mga simulain ng armadong pakikibaka saanmang larangan siya italaga ng Partido at sa harap ng bangis ng kaaway. Halos 30 taon ng kanyang buhay ang inilaan sa NPA kasabay ng kanyang pagpapamilya. Kahit na magkalayo sila sa napakahabang panahon ay labis siyang minamahal ng kanyang naiwang dalawang anak at isang apo.
Isa ring huwaran ng tapat na pagrerebolusyon si Ka Omar, isang maralitang magsasaka na tubong Buenavista, Quezon. Hindi makakalimutan ng mga kasama ang kanyang kapursigehan sa pagsusulong ng armadong pakikibaka. Napatunayan ito sa dalawang beses na pagkakahuli at pagkakakulong sa kanya ng kaaway. Matapos lumaya mula sa pasista ay kaagad siyang bumabalik sa Hukbo upang muling humawak ng armas at magpatuloy sa pakikibaka.
Dahil salat sa buhay, hindi nakatungtong sa burges na paaralan si Ka Omar at sa loob na ng Hukbo natutong magsulat, magbasa at magkwenta. Pinaunlad niya at hinubog ang sarili hanggang sa maging opisyal ng Pulang Hukbo. Mahalaga ang kanyang naging papel sa pagpapalawak at pagpapalalim ng baseng masa sa Gitnang Quezon.
Kahanga-hangang katatagan din ang ipinakita ni Ka Danny, isang magsasaka mula sa Atimonan, Quezon. Nagpasya siyang sumapi sa Hukbo sa kabila ng kanyang matandang edad at pisikal na limitasyon. Naging modelo siya ng mga kabataan sa kanilang lokalidad na sumunod sa kanyang yapak at sumampa rin sa Hukbo. Humarap siya sa mababangis na operasyon ng kaaway na nagparanas sa kanya ng pambihirang hirap at sakit. Sa kabila nito’y nagawa niyang magtagal sa Hukbo hanggang sa huling patak ng kanyang dugo.
Kasabay ng pagsaludo kina Ka Termo, Ka Danny at Ka Omar, naghuhumiyaw ang rebolusyonaryong mamamayan at hukbong bayan na bigyang katarungan ang pataksil na pag-atake ng AFP-PNP sa yunit ng tatlong kasama at paglapastangan ng mga pasista sa kanilang mga labi. Napaslang ang tatlo sa isang strike operation na isinagawa ng 1st IBPA at PNP-Laguna sa direksyon ng 2nd ID sa gitna ng pagtugon ng Pulang hukbo sa daing ng mamamayan ng Laguna kaugnay ng militaristang lockdown at pagkalat ng COVID-19.
Mariing kinukundena ng MGC ang ginawa ng AFP-PNP na pagsasalaula sa labi ng tatlong kasama at pagkakait sa kanilang pamilya ng pagkakataong maipagluksa ang pagkamatay ng kanilang kapamilya at mabigyan ng disenteng libing. Napakatagal na hinanap ng mga kaanak ang labi ng tatlong kasama matapos nakawin mula sa pinaglagakang punerarya sa Calamba, Laguna ng mga tauhan ng Camp Vicente Lim, itago mula sa naghahanap na mga kapamilya at paghiwa-hiwalayin na inilibing sa magkakalayong lugar. Agosto 13 na nang matagpuan ang katawan ni Ka Danny sa Antipolo, Rizal, habang noong Agosto 20 lamang nakuha ang kay Ka Omar sa parehong sementeryo sa Rizal. Walang maayos na damit at nakabalot lamang sa plastik ang katawan ng mga kasama nang mahukay mula sa sementeryo. Samantala, natunton naman noong Agosto 21 ang pinaglibingan kay Ka Termo sa isang di minarkahang libingan sa isang sementeryo sa Tuy, Batangas.
Ang di-makataong pagtrato sa labi ng tatlong napaslang na kasama at pagpahihirap sa kanilang mga naiwang pamilya ay mga dagdag na karumaldumal na krimen ng pasistang estado. Nilalabag nito ang pandaigdigang makataong batas, ang CARHRIHL, at Protocol 1 at 2 ng Geneva Conventions na tumutukoy sa pagrespeto sa labi ng mga taong nasawi dahil sa gera sibil. Napakalupit ding presyur at parusa sa mga nagluluksang pamilya ang pagpapaikot-ikot sa kanila at paghingi ng kung anu-ano pang rekisitos para lamang maiuwi ang labi ng kanilang kaanak. Binabalewala nito ang dignidad bilang tao ng mga nasawing NPA bilang isang pwersang belligerent.
Nais naming iparating sa pamilya nina Ka Termo, Ka Danny at Ka Omar ang aming taos-pusong pakikiramay at pangakong hindi mapupunta sa wala ang sakripisyo ng kanilang mahal sa buhay. Ang rebolusyong pinag-alayan ng buhay ng ating mga mahal na martir ay patuloy na mag-aalab at susulong hanggang ganap na tagumpay. Hindi kayang hadlangan ng karahasan at kapalaluan ng kaaway ang pag-abante ng rebolusyon, laluna sa kasalukuyang panahon ng tiranya ni Duterte na nagpataw sa sambayanan ng walang kaparis na kahirapan.
Pinalala ng rehimeng Duterte ang malaon nang pananalasa ng salot na imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo sa bansa. Nananatili at sumasahol ang sabwatan ng imperyalismo at lokal na naghaharing uri upang kamkamin ang likas na rekurso ng bayan at pumiga ng supertubo mula sa masang anakpawis. Inaagawan nila ng lupa ang mga katutubo’t magsasaka, pinagsasamantalahan ang mga manggagawa, at pinagkakaitan ng serbisyo at karapatan ang mamamayan. Instrumento nila ang mersenaryong AFP-PNP sa pagpapataw ng kanilang mapagsamantala at marahas na paghahari sa lipunang Pilipino. Sa paglitaw ng pandemyang COVID-19, sumidhi ang nararanasang kahirapan ng mamamayan dahil sa kriminal na kapabayaan ng rehimen at pagbulusok ng dati nang atrasadong ekonomya ng bansa.
Ganap lamang na malulutas ang suliranin ng lipunang Pilipino kung maipagtatagumpay ang demokratikong rebolusyon ng bayan na pinangungunahan ng CPP-NPA-NDFP. Pangunahing anyo nito ang armadong pakikibakang isinusulong ng NPA sa higit nang limang dekada. Tungkulin ng NPA na durugin ang armadong pwersa ng naghaharing uri hanggang sa ganap na mapabagsak ang bulok na estado at maitayo ang tunay na gubyerno ng mamamayan. Ito ang dakilang tungkulin na tinupad nina Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny. Hanggang may pang-aapi at pagsasamantala, patuloy na dadami ang tulad nilang anakpawis na sasapi sa NPA.
Kasingbigat ng Sierra Madre ang mga buhay nina Ka Termo, Ka Danny at Ka Omar dahil inilaan ang mga ito sa paglilingkod sa masang inaapi’t pinagsasamantalahan. Nagluluksa ang Pulang hukbo at rebolusyonaryong mamamayan sa kanilang pagkawala, ngunit higit rito ang nararamdaman nating paghanga sa kanilang pagpapasakit, walang pag-iimbot na paglilingkod sa masang api’t pinagsasamantalahan at determinasyong ipagwagi ang digmang bayan. Magsisilbi silang inspirasyon ng NPA sa pagbigo sa imbing layunin ng rehimeng Duterte na durugin ang rebolusyonaryong kilusan bago matapos ang termino nito sa 2022. Itataas natin ang ating mapanlabang diwa at patamaan ng maraming bigwas sa ulo at katawan ang palalong kaaway. Mananatiling buhay at nag-aalab ang rebolusyonaryong diwa nina Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny sa bawat tagumpay na iaambag ng MGC sa demokratikong rebolusyon ng bayan.
Mabuhay sina Ka Termo, Ka Omar at Ka Danny!
Mabuhay ang lahat ng rebolusyonaryong martir!
Digmang bayan, isulong hanggang tagumpay!
https://cpp.ph/statements/ibaling-sa-rebolusyonaryong-katapangan-ang-paggunita-sa-alaala-nina-ka-termo-ka-danny-at-ka-omar-mga-martir-ng-laguna/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.