Thursday, July 30, 2020

Kalinaw News: Tulong Mula sa Iba’t-Ibang NGO Iginawad sa Mga Katutubong Dumagat

Posted to Kalinaw News (Jul 28, 2020): Tulong Mula sa Iba’t-Ibang NGO Iginawad sa Mga Katutubong Dumagat
Doña Remedios Trinidad, Bulacan – Patuloy ang suportang tinatanggap ng mga Indigenous People (IP) Dumagat sa Bulacan mula sa iba’t-ibang Non- Government Organizations (NGO) katuwang ang 48th Infantry (Guardians) Battalion sa isinagawang feeding program at relief distribution sa Sitio Dike, Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan ika-25 ng Hulyo 2020.

Ang mga NGO na nagpaabot ng kanilang tulong ay ang Batang Complex Organization (BCO) sa pangunguna ni Keshi Domingo, Batang Complex Association (BCA) sa pangunguna ni Ambet Constantino at ang Tau Gamma Phi-Pandi Chapter sa pangunguna ni Moriel C. Samaniego kasama si Poblacion 1 , Pandi SK Chairperson Melissa Carpio.

300 na mga IP ang nakilahok sa feeding program at nakatanggap ng tig tatlong (3) kilong bigas at dalawang (2) lata ng sardinas. Namahagi din ng mga damit ang mga naturang grupo sa mga katutubo.

Kabilang sa Basic Services ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang isinagawang programa na naka sentro sa sektor ng mga IP bilang mga benepisyaryo.

Nagpasalamat naman ang mga naturang NGO sa tulong na ipinagkaloob ng 48IB upang maging matagumpay ang kanilang programa para sa mga katutubong Dumagat.

Ayon kay, Brigadier General Andrew D. Costelo, 703rd Brigade Commander, “Maganda na parami ng parami ang mga nais tumulong sa ating mga Katutubong Dumagat habang patuloy tayong nakikipaglaban sa sakit na COVID-19. Ang pakikipag ugnayan ng mga iba’t-ibang NGO sa hanay ng Hukbong Katihan ay patunay lamang na malaki ang tiwala nila sa ating mga kasundaluhan.” Dagdag ni Lieutenant Colonel Felix Emeterio M. Valdez, Commanding Officer ng 48IB, ” Para sa mga NGO salamat at hindi kayong nagsasawa na ibilang kami sa inyong mga adhikain at programa para sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga IP. Asahan ninyo na susuporta kami sa inyong mga mithiin upang matumbasan ang tiwala na iginagawad niyo sa 48IB. Tunay na 48IB Loves You.”







[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/tulong-mula-sa-ibat-ibang-ngo-iginawad-sa-mga-katutubong-dumagat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.