LUNGSOD NG MALOLOS, Abril 15 (PIA) -- Nagsagawa ng Operation Bayanihan ang mga sundalo ng 48th Infantry Battalion o 48IB at GMA Kapuso Foundation sa barangay Malhacan sa lungsod ng Meycauayan.
Ayon kay 48IB Commanding Officer Lt. Col. Felix Emeterio Valdez, layunin nito na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residente habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.
Nagsagawa ng Operation Bayanihan ang mga sundalo ng 48th Infantry Battalion at GMA Kapuso Foundation sa barangay Malhacan sa lungsod ng Meycauayan. (48th Infantry Battalion)
May 650 pamilya o katumbas na 2,600 indibidwal ang nabigyan ng mga relief goods. Bawat isa ay naglalaman ng dalawang kilong bigas, isang loaf bread, isang pakete na may walong slices na frozen chicken, sampung pirasong instant noodles, walong lata ng sardinas, apat na pakete ng seasoning, isang dosenang kape, biscuit at anim na pirasong sabon.
Kasama sa nakibahagi sa naturang aktibidad ang iba’t ibang kumpanya gaya ng Ajinamoto, Jollibee Food Corporation, Gardenia, Kopiko at Vouno Trading and Marketing. (CLJD/VFC-PIA 3)
Kasama sa nakibahagi sa naturang aktibidad ang iba’t ibang kumpanya gaya ng Ajinamoto, Jollibee Food Corporation, Gardenia, Kopiko at Vouno Trading and Marketing. (CLJD/VFC-PIA 3)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.