Wednesday, April 15, 2020

Tagalog News: 84IB, tumulong sa mga mahihirap na pamilya sa San Jose

From the Philippine Information Agency (Apr 15, 2020): Tagalog News: 84IB, tumulong sa mga mahihirap na pamilya sa San Jose (By Camille C. Nagano)

LUNGSOD NG SAN JOSE, Abril 15 (PIA) -- Nasa 75 pamilya ang binigyang ayuda ng mga kasundaluhan ng 84th Infantry Battalion o 84IB sa lungsod ng San Jose.

Ayon kay 84IB Commander Lieutenant Colonel Honorato Pascual Jr., sa pamamagitan ng munting gawain ay hangad ng hanay na makatulong sa mga higit na nangangailangan lalo ngayong nakararanas ng krisis dulot ng coronavirus disease.

Patuloy aniyang maaasahan ang pagtulong, paghahatid serbisyo at pagtupad sa sinumpaang tungkulin ng mga kasundaluhan. 


Ang pamamahagi ng mga kasundaluhan ng 84th Infantry Battalion ng mga food packs sa mga higit na nangangailangang mamamayan ng lungsod San Jose. (84th Infantry Battalion)

Kabilang sa mga nakatanggap ng food packs ang mga residente ng Zone-6 Barangay Sto. NiƱo II na naglalaman ng apat na kilong bigas, isang buong manok, mga de lata, tig-isang bote ng bagoong at mantika.

Pinuri naman ni 7th Infantry Division Commander Brigadier General Alfredo Rosario Jr. ang gampaning ito ng mga kasundaluhan na nag-ambag ambag mula sa sariling sweldo upang makatulong sa mga nangangailangang nasasakupan.

Kaniya ding hinihikayat ang mga kapwa kasundaluhan sa mga kagayang inisyatibong magbigay tulong sa abot ng makakaya. (CLJD/CCN-PIA 3)

https://pia.gov.ph/news/articles/1039079

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.