Pinapaliwanag ni DILG-Quezon Provincial Director Darrell Dizon ang mga programang livelihood assistance para sa mga dating rebeldeng NPA sa idinaos na kapihan sa PIA noong Pebrero 21. (PIA-Quezon)
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Marso 2 (PIA)- Patuloy ang ginagawang pagtulong ng mga ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga dating NPA rebels sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansiyal.
Sa idinaos na “Kapihan sa PIA” sa Pacific Mall Activity Center sa lungsod na ito, sinabi ni DILG-Quezon Provincial Director Darrell Dizon na may 29 na dating mga rebeldeng NPA ang tumanggap na ng financial assistance na P50,000 bawat isa noong 2019 na ipinatutupad sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Plan (ECLIP).
“Ang programang ito ay bahagi ng Task Force ELCAC o Ending Local Communist Armed Conflict sa ating lalawigan at katuwang natin ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Quezon; Department of Labor and Employment (DOLE)-Quezon at iba pang ahensiya ng pamahalaan,” sabi pa ni Dizon.
Sinabi naman ni Peace and Order Provincial Focal Person Shacer Leo Ambas ng DILG-Quezon na may 29 pang dating NPA rebels ang makakatanggap din ng financial assistance mula sa DILG pagkatapos na maiproseso ang kanilang mga papeles.
Ayon pa kay Ambas, nauna nang tumanggap ng halagang P21,000 na immediate assistance ang mga dating NPA rebel matapos na sumuko sa pamahalaan bukod sa tulong na ipinagkaloob sa ilalim ng firearms renumeration program kung saan ang dating rebelde kapag nag-surrender ng baril ay makakatanggap din ng tulong pinansiyal depende sa klase ng baril.
Samantala, ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan kagaya ng TESDA ay may ipinagkakaloob ding tulong sa mga sumukong NPA sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship program at mga pangkabuhayang pagsasanay. (Ruel Orinday/PIA-Quezon)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.