NPA-EAST CAMARINES SUR
TOMAS PILAPIL COMMAND
FEBRUARY 11, 2020
Lubos na kinukondena ng Tomas Pilapil Command-BHB East Camarines Sur ang isinagawang paghalughog ng pinagsanib na pwersa ng 2nd Platun 505 th Provincial Mobile Force, Regional Mobile Force at PNP- Lagonoy ng ilang kabahayan sa Barangay Gubat, Lagonoy nitong Enero 30, 2020.
Ayon sa mga biktima na sina Emerlita Velasco, Domingo Velasco, Hermina Saor, Manases Casabuena at pamilya ni Roger San Juan sapilitang hinalughog ng mga pulis ang kanilang bahay nang walang karampatang mandamyento. Si Roger San Juan ay sinampahan ng gawa-gawang kasong illegal possession of expossives na nakahain sa sala ni Judge Angela AcompaƱado Arroyo. Naninindigan ang pamilya ni Roger San Juan na walang granada sa ka nilang bahay at itinanim lamang ng mga operatiba ang granada.
Ang sapilitang pag halughog at mga gawa-gawang kaso laban sa mga pinaghihinalaang sumusuporta sa rebolusyunaryong kilusan at miyembro ng mga progresibong organisasyon ay bahagi ng paghahasik ng takot at karahasan sa mga sibilyan sa ilalim ng Memorandum Order 32 ni Duterte.
Ang pagtanim ng mga ebidensya ay kalakaran na ng mga pulis at militar sa kanilang mga operasyon para gawing lehitimo ang kanilang mga accomplishment at magpasasa sa mga pabuya kahit pa sa kapinsalaan ng mga sibilyan at lantarang paglabag sa karapatang-tao.
Nananawagan ang Bagong Hukbong Bayan Tomas Pilapil Command sa mga sibilyan at mga tagapagtaguyod ng karapatang tao na maging mapagmatyag sa mga pakana at kontra mamamayang operasyon ng mga pwera ng PNP at Philippine Army. Maging mapanuri sa mga gawa-gawang kaso ng mga ahente ng estado laban sa mga sibilyan. Kailangan magkaisa ang mamamayan na ilantad at labanan ang mapanlinlang at marahas na operasyon ng mga pulis at militar, tutulan at labanan ang Memorandum Order 32 at Executive Order 70 at lahat ng anti-mamamayang pakana ni Duterte.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.