Thursday, January 30, 2020

Tagalog PR: PTF-MTF-ELCAC nagbigay serbisyo sa 2 barangay ng San Jose

From the Philippine Information Agency (Jan 30, 2020): Tagalog PR: PTF-MTF-ELCAC nagbigay serbisyo sa 2 barangay ng San Jose (By 4th Infantry Battalion, 2 ID)



Kabilang ang dental mission sa mga serbisyong hatid ng PTF-MTF-ELCAC. (4th Infantry Battalion, 2ID, PA)

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Enero 30 (PIA) -- Naghatid ng serbisyo caravan, libreng medical, dental, optical mission at counseling ang Provincial at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-MTF-ELCAC) at Team Jesus Mission sa Barangay Naibuan at Monteclaro ng bayang ito kamakailan.

Kabilang sa serbisyong ibinigay sa mga mamamayan ay ang Birth Certificate, Voters at Philhealth registration, libreng gupit mula sa kasundaluhan at iba pang mga government services. Aabot sa 1,850 ng mamamayan na karamihan ay katutubo mula sa dalawang barangay ang nabiyayaan ng nasabing aktibidad.

Nagkaroon din ng pagsusuri sa Barangay Development Plan ng nabanggit na barangay, na may layon na maisaayos ang kanilang mga proyektong pang-imprastraktura.

Dahil sa aksyong ito ng PTF-MTF-ELCAC at Team Jesus Mission, lubos ang naging pasasalamat nina Kap. May-at Luzon ng barangay Naibuan at Kap. Von Joseph Ortilano ng Monteclaro. Ayon sa dalawang opisyal, malaking bagay na nakakarating sa kanilang lugar ang mga programa ng pamahalaan dahil sa pamamagitan nito’y nararamdaman ng mga mamamayan ang malasakit sa kanila ng gobyerno.

Samantala, hinikayat naman ni LTC Alexander M. Arbolado, pinuno ng 4th Infantry Battalion (IB), ang dalawang punong-barangay na magtulungan upang mabilis na maabot ang kaunlaran ng kanilang mga lugar.

Tiniyak naman ni Brigadier General Antonio R. Lastimado, pinuno ng 203rd Infantry Brigade, na magpapatuloy ang kahalintulad na programa mula sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan kasama ang mga pribadong sektor upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan, lalo na ang mga katutubo, at gawing maunlad at payapa ang kanilang kumunidad.

Ang programang dinala sa Naibuan at Monteclaro ay bunga ng pagtutulungan ng pamahalaang bayan ng San Jose sa pangunguna ni Mayor Romulo Festin, pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Eduardo Gadiano, Team Jesus Mission sa pangunguna ni Dr. Shiela Aranas at ng 4th IB ng Phil Army. (4th IB, 2 ID, PA)

Featured Image

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.