Thursday, January 30, 2020

Tagalog News: CPP-NPA-NDF, idineklarang persona non-grata sa Puerto Princesa

From the Philippine Information Agency (Jan 30, 2020): Tagalog News: CPP-NPA-NDF, idineklarang persona non-grata sa Puerto Princesa (By Orlan C. Jabagat)


Sa pamamagitan ng Resolution No. 01 series of 2020 na ipinasa ng City Peace and Order Council (CPOC) ay idineklara nang persona non-grata ang CPP-NPA-NDF sa Puerto Princesa. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 30 (PIA) --- Idineklara nang persona non-grata (PNG) sa Puerto Princesa ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ang deklarasyong ito ay sa pamamagitan ng resolusyong ipinasa ng Puerto Princesa City Peace and Order Council (CPOC) sa isinagawang pagpupulong ng konseho noong Enero 23 sa Gusaling Panglungsod.

Sa Resolution No. 01 series of 2020, sinasabi rito na kinokondena ng mga miyembro ng CPOC ang mga kalupitan at kawalang-awa na gawain ng CPP-NPA-NDF, mga basehan para ideklara ang mga ito bilang persona non-grata sa buong lungsod.

Ang hakbang na ito ng CPOC ay bilang pagsuporta sa Executive Order No. 70 ng Pangulong Rodrigo R. Duterte o itong ‘Whole of Nation Approach’ upang mawakasan na ang armadong pakikibaka sa buong bansa.

Ang resolusyon ay agad na nilagdaan ni Mayor Lucilo R. Bayron bilang Chairman ng CPOC ay ipapadala ang kopya nito sa Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP0, Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa iba pang ahensiya ng gobyerno.

Sa ulat ng Western Command (WESCOM) kamakailan, nasa 29 na lamang ang mga armadong miyembro ng NPA sa Palawan. Bumaba na ito ng 38 porsiyento kung ikukumpara noong 2018 na mayroon pa itong 47 miyembro.

Sa nakalipas na taon, nakapagtala na ang Wescom ng 46 sumukong mga miyembro at taga-suporta ng NPA, maging ng mga Militia ng Bayan.

Sampu naman ang nahuling miyembro ng NPA noong 2019. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

https://pia.gov.ph/news/articles/1033618

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.