TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Enero 3 (PIA) - - Bilang suporta sa adhikain ng pamahalaan na wakasan na ang insurhensiya sa bansa, ang lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Cagayan ay nagpasa ng resolusyong nagdedeklara sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, at National Democratic Front (CPP/NPA/NDF) na 'persona non grata' sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.
Bagamat iilang bayan na lamang ang pinamumugaran ng mga rebelde dito sa lalawigan, lahat ng dalawampu’t walong bayan, ang lungsod na ito at maging ang pamahalaang panlalawigan ay naghayag ng kanilang pagtutol sa marahas na paraan ng pakikibaka ng mga rebelde.
Kinakausap ni PCol. Ariel Quilang, officer-in-charge ng PNP Cagayan, ang mga Militia ng Bayan na nagbalik-loob sa pamahalaan. (Kuha ng CPPO)
Ayon kay Police Col. Ariel Quilang, officer-in-charge ng Cagayan Police Provincial Office, ang deklarasyon ng mga lokal na pamahalaan ay nagpapakita na hindi sinusuportahan ng mga ito ang anumang ideyolohiya ng mga rebeldeng grupo at gusto na nilang mawala sa kanilang mga lugar ang mga rebelde.
“This is a whole of the nation approach kaya nakikipagtulungan tayo sa iba't ibang grupo upang makamit natin ang katahimikan sa lalawigan,” pahayag ni Quilang.
Nagdeklara rin ito ng 'localized peace talks' upang bigyan daan ang malumanay at diplomatikong pag-uusap, at upang hikayatin na rin ang mga rebelde na magbalik loob sa pamahalaan.
Target din ng kapulisan na magkaroon ng sariling bersiyon ng deklarasyon ang mga barangay upang lalo pang mapaigting ang kampanya laban sa insurhensiya sa lalawigan at tuluyan nang mawakasan ang paghahasik ng kaguluhan ng mga rebeldeng grupo.
Kamakailan lamang ay mayroong labimpitong mga 'militia ng bayan' at dalawang rebelde ang sumuko sa mga otoridad.
Kabilang sa kanilang mga isinuko ay mga kagamitan noong aktibo pa sila tulad ng mga libro, pahayagan, at iba’t-ibang mga babasahin na ginagamit sa paghahayag ng kanilang doktrina, pagtuturo ng rebelyon at pag-recruit sa taumbayan na umanib sa kanilang grupo. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.