LUNGSOD NG BUTUAN, Nobyembre 13 (PIA) -- Isang sugatang kabataan na miyembro ng New People's Army ang sinagip ng militar sa nangyaring bakbakan sa barangay San isidro, Santiago, Agusan del Norte, kamakailan lang.
Siya ay si alyas kent, na narecruit ng NPA noong siya'y labing anim na taong gulang pa lamang at halos dalawang taon nang nagsisilbi sa NPA.
Ayon sa military, iniwan lang si Kent ng kanyang mga kasamahan dahil sa mga natamong sugat habang ang isa pa niyang kasama ay napatay.
Malaki naman ang pasasalamat nito sa tropa ng gobyerno dahil hindi niya inakalang ang itinuring nilang kalaban ang siyang sasagip sa kanya sa oras ng kagipitan.
Ayon pa sa kanya, puro kasinungalingan ang itinuro sa kanila sa loob ng samahan dahilan upang sila ay matakot at magalit sa tropa ng pamahalaan.
Nanawagan naman si Kent sa kanyang mga kasamahang kabataan na gumising na sa katotohanan at huwag nang magpalinlang pa sa mga NPAs.
Hirap sa buhay lang aniya ang maidudulot nito at puro kasinungalingan ang mga tinuturo, walang katuturan at walang patutungohan ang pakikipaglaban sa gobyerno kundi kasamaan lang.
Sa ngayon ay nagpapagaling si Kent sa isang pampublikong ospital sa pangangalaga na rin ng militar.
Nanawagan naman si 1lt. Nonette Banggad, ang civil military operations officer ng 29th Infantry Batallion, Philippine Army sa mga magulang na bantayan ang mga ginagawa ng mga anak upang hindi malinlang ng mga NPAs. Nanawagan din sya sa mga NPAs na huwag gamitin ang mga kabataan at itigil na ang pagrerecruit nito. Ayon pa kay Banggad, huwag sana nilang sirain ang kinabukasan ng mga kabataan sa walang silbing adhikain. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.