KAWANIHAN SA REHIYUNAL NA EDUKASYON
TIMOG KATAGALUGAN
NOVEMBER 12, 2019
PDF: BNW | COLORED
1. Ano ang EO 70?
Ang Executive Order No. 70 o EO 70 ay ang kautusan ni Duterte noong Disyembre 2018 na naglalayong kamtin diumano ang “sustenable at sumasaklaw-sa-lahat na kapayapaan (sustainable and inclusive peace)”. Itinatakda nito ang pagtataguyod sa Balangkas para sa Pambansang Kapayapaan (National Peace Framework) na naunang binalangkas ng reaksyunaryong estado at pagtatayo ng isang National Task Force para sa kanyang kontra-rebolusyonaryong gera. Itinatakda din ng EO 70 ang pag-iinstitusyunalisa sa niresiklong whole-of-nation approach bilang pangunahing pamamaraan para wakasan ang rebolusyong pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Kinikilala ng EO 70 na ang pagharap sa armadong tunggalian sa pagitan ng rebolusyonaryong mamamayan at reaksyunaryong gubyerno ay hindi lamang isang usaping militar, kundi mas masaklaw na usaping nag-iimbwelto sa iba’t ibang aspetong panlipunan—pang-ekonomya at pampulitika. Sa kabilang banda, pinakikitid nito ang pamamaraan ng estado sa paglutas sa armadong tunggalian—sa pamamagitan lamang ng pandarahas at panlilinlang para patahimikin ang masang nakikibaka at isulong ang interes ng mga dayuhan at lokal na naghaharing uri.
Nakaayon ito sa mas maagang mga proklamasyong 360, 374 at Memorandum Order 32 na sa esensya’y pagtalikod sa negosasyong pangkapayapaan sa NDFP at sa halip ay pagtataguyod sa madugong kontra-rebolusyonaryong gera. Kung gayon, ang EO 70 ay deklarasyon ng rehimen ng gera laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan dahil itinatwa nito ang mapayapang landas ng paglutas sa sanhi at dahilan ng armadong tunggalian sa bansa at sa halip ay itinataguyod ang militaristang pamamaraan.
Kapag ang paglutas sa armadong tunggalian ay makaisang-panig at hindi nag-iimbwelto sa kabila at katunggaling partido, sa esensya, purong militar pa rin ang pamamaraan nito. Kahit pa tabingan ito ng komponenteng sibilyan, lilitaw at lilitaw ang pasistang mukha ng EO 70 at ang tutunguhin nito ay kabiguan.
2. Ano ang whole-of-nation approach? Sinu-sino ang nagpapatupad nito?
Ang whole-of-nation approach ay isang estratehiyang militar na ginagamit ng reaksyunaryong estado ng Pilipinas mula pa Oplan Bayanihan ng rehimeng US-BS Aquino noong 2011. Nakabalangkas ito sa dikta ng US batay sa kontra-rebolusyonaryong gabay ng US COIN Guide 2009 na gumagamit sa lahat ng makinarya ng estado laban sa rebolusyon. Nakakubli sa “pagresolba sa mga saligang ugat ng armadong tunggalian sa bansa”, pinalalakas nito ang komponente ng saywar at mga operasyong sibil-militar (CMO) para kunin ang loob ng taumbayan at ilayo sila sa landas ng pagrerebolusyon. Ngunit sa likod nito ay ang higit na pagtindi ng pasistang pananalasa sa mga tinagurian nilang base ng rebolusyon.
Sa pamamagitan ng whole-of-nation approach, pakikilusin ni Duterte at ng AFP ang lahat ng pwersa ng estado bilang mga stakeholders sa kanyang kontra-rebolusyonaryong gera. Kaiba sa naunang pagpapatupad ng whole-of-nation approach ng rehimeng US-BS Aquino na nabigo, sa ilalim ng EO 70 ni Duterte, direktang ipaiilalim sa kamay ng militar ang kampanyang pagsugpo at pagsupil sa rebolusyon kahit walang umiiral na Martial Law sa buong bansa, habang nakapakete sa mapanlilang na pamamaraang “pinangungunahan-ng-sibilyan” (civilian-led approach) pero sa esensya, isang sibilyang junta na nilulukuban ng militar. Para magawa ito, maagap na pinuno ni Duterte ng mga retiradong militar at mga sagad-saring anti-Komunista ang mga pusisyon sa gabinete at mga susing ahensya ng reaksyunaryong gubyerno.
Nagpapanggap ang EO 70 at whole-of-nation approach bilang isang komprehensibong programa na nakatudla sa paglutas ng kahirapan, kagutuman at inhustisyang panlipunan sa pamamagitan ng pekeng islogan ng ‘mabuting pamamahala’ at ‘paghahatid ng serbisyong panlipunan sa masa’. Binubuhusan ng malaking pondo para sa ‘mga proyektong para sa mamamayan’ ang iba’t ibang ahensya ng gubyerno na batbat naman ng burukratikong korapsyon at katiwalian.
3. Paano ipinatutupad ang EO 70?
Ipinatutupad ang EO 70 sa pamamagitan ng itinayong National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Sa ilalim nito ay binubuo ang mga local task force sa bawat antas ng lokal na gobyerno mula rehiyon hanggang barangay. Binubuo ito ng mga lokal na burukrata, kinatawan ng DILG, NEDA at mga opisyal ng AFP at PNP sa bawat antas matapos ipasa ang isang pinagsanib na resolusyon ng Local Peace & Order Council at Local Development Council. Ang mga local task force na ito ang magsisilbing tulay at magkokoordina sa mga lokal at pambansang pagsisikap para sa pagpapatupad ng EO 70.
Ang DILG na hawak ngayon ng militarista at sagad-saring anti-Komunistang si Eduardo Año ang pangunahing ahensya ng rehimen para ipatupad ang EO 70 katuwang ang AFP at PNP. Sa pagmamadaling makumpleto at magkahugis ang pagbubuo ng mga local task force, inilabas ng DILG ang dalawang memorandum circular upang obligahin ang lokal na burukrasyang ipatupad ang nilalaman ng EO 70 ni Duterte at makiisa sa plano nitong pagdurog sa rebolusyonaryong kilusan.
Liban dito, binuo rin ang 12 clusters ng NTF-ELCAC mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makibahagi sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad ng nilalaman ng EO 70. Ang 12 clusters na ito ay pamumunuan ng mga opisyal ng AFP, PNP at National Security Council. (Tingnan sa Apendiks 1 ang bumubuo sa 12 clusters na itinayo.)
Sa Timog Katagalugan, sing-aga pa ng unang hati ng taon, naitayo na ang ilang local task forces mula antas rehiyon hanggang sa ilang probinsya at munisipalidad.
4. Ano ang dalawang kamay ng kontrarebolusyonaryong gera ng RUSD?
May dalawang kamay ang kontra-rebolusyonaryong gera ng rehimeng US-Duterte—ang Focused Military Operations (FMO) at ang Community Support Program Operations (CSPO). Ang FMO ang kanang kamay o superyor na kamay ng kontra-rebolusyonaryong gera habang ang CSPO ang kaliwang kamay o pansuportang kamay na may “pampalambot” na sangkap na sayops at programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para paglingkurin pa rin sa FMO.
Ang FMO ang counter-guerilla deep operations ng kaaway na gumagamit ng lakas-brigada hanggang dibisyon na sumasaklaw sa isang subrehiyon o magkatabing mga subrehiyon o magkakasabay na combat operations sa lahat ng subrehiyon. (May mga nauna at hiwalay nang paglilinaw hinggil dito ang pambansang sentro ng Partido) Ang CSPO naman ay base denial operations na binubuo ng triad operations (sayops, combat at intel).
Noong Mayo 2019 ay inilabas ng AFP ang pinakahuling konsepto ng tinagurian nilang “retooled CSPO” at nitong Oktubre 2019 ay inilabas naman ng DILG ang Memoramdum Circular 2019-169 na naglalaman ng Gabay sa Implementasyon ng RCSP sa buong bansa.
5. Ano ang Retooled Community Support Program (RCSP)?
Ang RCSP ay nagmula sa CSP na isang programa ng AFP-DSSP (Development Support and Security Plan) “Kapayapaan”1—isang multi-stakeholder at nakabase-sa-komunidad na pagpupunyagi para sa diumano’y kapayapaan at kaunlaran na may layuning itayo at protektahan ang isang komunidad na apektado ng tunggalian (conflict-affected community). Sa saligan ay niremodel ito mula sa dating SOT-MSOT-RSOT-PDO-PDT operations na inilulunsad sa mga tukoy nilang impluwensyado at di-gaanong impluwensyadong mga baryo. Layunin ng CSP na matukoy ang mga isyu sa mga komunidad at magpasok ng mga “interbensyong pangkaunlaran” upang lutasin ang mga isyu at suliranin na tinukoy mismo ng mga komunidad. Gayunman, limitado ang paglutas sa mga isyu at pugwang dahil sa limitadong mga rekurso at paglahok ng iba pang mga pambansang ahensya ng gubyerno (NGA).
Sa gayon, binuo ang RCSP upang palakasin ang inisyatiba ng militar sa CSP at upang palakihin ang papel ng mga lokal na gubyerno (LGU). Ang pagpapalaki ng papel ng mga LGU sa CSP ay hindi lamang basta panabing sa tunay na katangian ng CSP sa pag-eempleyo nito ng pamamaraang nakasentro-sa-militar tungo sa RCSPpamamaraang pinamumunuan-ng-sibilyan kundi inaakala rin ng rehimeng US-Duterte na sa pamamagitan ng pagpapalaki ng papel ng DILG sa balangkas ng whole-of-nation approach ay mawawasak nila ang rebolusyonaryong kilusan na hindi nagawa ng lantay na pamamaraang militar. Sa ganito, gustong palabasin na ang mga lokal na punong ehekutibo (LCE) ang magiging pinuno ng RCSP, ngunit sa totoo, ang komponente nitong militar—ang Peace, Law Enforcement & Development Support Team (PLEDS) ang aktwal na mapagpasya dito sa pagpapatupad ng kanilang mga programa, proyekto at aktibidad (PPA) na nakatuon sa pagtatatag ng tinatawag nilang sustenableng kapayapaan at kaunlaran.
Tulad ng paggana ng mga SOT, PDT at CSP sa nakaraan, ang paggana ng RCSP ay hindi hiwalay at mahigpit na nakaugnay sa mga operasyong militar sa ilalim ng mga koman ng AFP-PNP sa bawat rehiyon, probinsya, munisipalidad at mga barangay.
6. Paano ipinatutupad ang RCSP?
Upang maihabol ang programa ng rehimeng US-Duterte na diumano’y “tatapusin niya ang problema sa insurhensya bago matapos ang kanyang termino”, nagkukumahog ito sa implementasyon ng RCSP.
Inilabas ng DILG ang Memorandum Circular 2019-169 nitong Oktubre 2019 upang gabayan ang lahat ng mga lokal na ehekutibo mula gobernador hanggang mga punong barangay, direktor ng mga Local Government Academy, mga opisyal at istap ng DILG mula rehiyon hanggang syudad at munisipalidad, at iba pang may kaugnayan sa implementasyon ng RCSP.
Matapos mabuo ang mga TF-ELCAC mula sa rehiyon hanggang barangay, sunod na bubuuin ang RCSP sa buong bansa. Inoobliga at minamadali ng nasabing kautusan na ipatupad ng lahat ng LGU ang RCSP.
7. Saan at ano ang mga target na barangay ng RCSP?
Ang mga target na barangay na paglulunsaran ng RCSP ay itinakda na ng NTF—Focused Geographic Areas (FGA). Pansinin na ang pagtatarget ng mga barangay ay hindi nakabatay sa kalagayang pang-ekonomiya at sosyo-kultural ng komunidad kundi batay sa naipong datos-paniktik ng kaaway hinggil sa mga istrukturang pulitiko-militar na sukatan ng impluwensya ng CPP-NPA-NDF sa barangay. Kinaklasipika ng NTF ang mga apektadong barangays sa influenced, less influenced at threatened.
Sa ating rehiyon, tinukoy ng NTF-ELCAC ang target na 11 influenced barangay at 21 less influenced barangay o kabuuang target na 32 barangay. May 315 pang mga barangay ang idineklarang threatened. Magiging labis na kahiya-hiya sa AFP kung maglalagay sila ng maraming target na barangay matapos nilang ideklarang CMRFD (Conflict Manageable and Ready for Development) at insurgency-free ang halos lahat ng mga probinsya sa buong rehiyon sa nakaraang mga Oplan mula sa panahon ng OBL 1 & 2 hanggang sa Oplan Kapayapaan.
8. Sino ang magpapatupad ng RCSP?
Inaatasan ang mga LCE na pangunahan ang lahat ng inisyatiba ng RCSP sa pamamagitan ng: paghikayat sa mga komunidad at LGU na magkasamang buuin ang mga solusyon sa mga lokal na isyu; paunlarin ang pagsasama-sama at pagtutulungan sa hanay ng mga institusyon ng gubyerno, sibilyan at unipormado, at maging mga NGO tulad ng mga lokal na civil society organization, PO, mga negosyo at lahat ng sektor ng lipunan.
Babalikatin ngayon ng mga LGU ang pamamahala sa dating saklaw nila at ang karagdagang tungkulin sa paglulunsad ng RCSP na magbibigay ng partikular na diin, panahon at rekurso sa mga target na barangay na tinukoy ng NTF. Wala namang karagdagang lakas tauhan at pondo para dito kundi alinman sa kukunin sa sariling pondo ng LGU at/o ihihingi pa sa mga pondo ng NGA na dadaan sa maraming andana ng burukrasya na batbat ng korapsyon at katiwalian.
9. Ano ang komposisyon ng RCSP?
Bubuuin ang mga RCSP Team mula sa probinsya hanggang munisipalidad upang pamunuan ang operasyunalisasyon ng RCSP. Mula dito ay itatayo ang RCSP Core Team upang maging katuwang ng RCSP Team. (Tingnan ang istruktura sa kasunod na pahina).
Ang RCSP Team ay binubuo ng LCE bilang pinuno , ang Basic Service Delivery Team (BSDT), ang Citizenship and Community Participation Team (CCPT) at ang Peace, Law Enforcement & Development Support Team (PLEDS). Sa maikli, ang BSDT ay sa serbisyo, ang CCPT ang organisador sa komunidad at ang PLEDS ang mangangasiwa sa seguridad.
Katuwang din ng mga ito ang Local Development Council (LDC), Local Peace & Order Council (LPOC) at ang RCSP Core Team. (Tingnan sa apendiks). Sa binubuong mga team, ang PLEDS ang komponenteng militar at siyang magiging bag-as ng RCSP Team na talagang lulubog sa mga target na barangay sa loob ng kung ilang buwan o tagal na panahong itatakda.
Sa esensya, ang RCSP Team ay ang PLEDS na napapalamutian ng mga sibilyan na team tulad ng BSDT at CCPT mula sa mga pambansa at lokal na ahensya ng reaksyunaryong gubyerno at mga kinatawan nito sa LGU na magsasama-sama at magkokoordina para magdala diumano ng mga kinakailangang serbisyo sa target na barangay. Layunin nitong wasakin ang pampulitikang istruktura ng rebolusyonaryong kilusan at kamtin daw ang sustenableng kapayapaan at kaunlaran.
10. Ano ang Peace, Law Enforcement & Development Support o PLEDS?
Ang PLEDS Team ay binubuo ng siyam (9) kataong CSP Team mula sa AFP, dalawang (2) tauhan mula sa PNP/BJMP/BFP at ex-NPA (antas kadre daw) na nasa erya bilang karagdagang lakas tauhan at suporta sa impormasyon. Tungkulin ng PLEDS na maglunsad ng clearing operations isang linggo bago ang aktwal na paglarga ng RCSP Team upang tiyakin ang seguridad ng perimetro ng target barangay sa buong panahon ng paglubog nito, at ang tuluy-tuloy na “paglilinis” ng komunidad mula sa banta ng rebolusyonaryong hanay sa panahon ng implementasyon at pagdadala ng kinakailangang interbensyon ng gubyerno.
Mapagpasya ang papel ng PLEDS sa pagtitiyak sa seguridad ng RCSP Team sa pagpasok at paglabas sa barangay—sa katunayan, itinakda at idiniin ito sa gabay sa implementasyon sa barangay sa panahon at matapos ang paglubog. Ang PLEDS ang masusunod kaugnay sa mga usaping panseguridad at tatakbuhin ng RCSP.
Ang higit 11-kataong iskwad na PLEDS ang dating CSP Team ng AFP, ang armadong komponente ng RCSP na nasasandatahan ng matataas na kalibreng baril. Buo ito, intact at laging magkakasama. May mahigpit itong ugnayan sa iba pang pangmaniobrang yunit ng AFP at PNP sa kalapit na lugar o sa pinakamalapit buong panahon na nasa target barangay sa tinatawag na immersion/paglubog. Ang iba pang mga team tulad ng BSDT at CCPT ay nabubuo at pupunta lamang sa barangay sa panahon ng mga pulong at mga aktibidad tulad ng serbisyo caravan, mga pulong at dialogue, pagpaplano, at assessment.
11. Ano ang magkasanib (overlapping) na mga yugtong dadaanan, mga pamamaraan sa paggawa at panahong gugugulin ng RCSP?
Dadaan sa limang yugto ang RCSP na may magkakasunod at magkakaugnay na estratehikong layunin at mungkahing panahon/tagal: 0) ang pre-planning, 1) shape, 2) access, 3) transform, 4) sustain, at 5) monitoring. Tinukoy din ang mga team na may susing papel sa bawat yugto.
Sa maikling paglalarawan ng mga yugto, matapos na mabuo ang mga target barangay at panimulang profile nito, bubuuin ang RCSP Team at iba pang team sa ilalim nito, magdadaos ng maraming mga pulong, koordinasyon kasama diumano ang mamamayan, upang matukoy ang mga problema at mga kalutasan at mabuo ang Barangay Development Plan o BDP na siyang pagbabatayan ng mga PPA na ihahapag sa mga LGU at NGA para sa pagpopondo at implementasyon, kung may makuhang pondo. At matapos ito ay ang pagsustine, monitoring at pag-uulat.
Sa isang panig, titiyakin ng PLEDS ang patuloy na pagsasanay at retooling ng lahat ng BPATS, BIN at iba pang mga mekanismo upang matiyak ang nagpapatuloy na ‘kapayapaan at seguridad’ sa mga barangay.
Kung susumahin ang mga yugto at paano ito gagana, makikitang napakaraming dinadaanang proseso; napakaraming binubuong mga task force at mga council sa iba’t ibang antas, mga sektoral at multisektoral na pulong at dialogue, koordinasyon sa pagitan ng LGU at mga NGA at iba pang stakeholders kabilang ang komunidad ng target na barangay. Sa mga itinatayong burukratikong andanang ito, tiyak na mauubos na ang minimal na pondo ng proyekto at magiging hadlang ito sa interbensyon ng gubyerno sa mga ekonomiko at sosyo-kultural na mga suliranin.
Tulad ng mga naging problema sa implementasyon ng mga programa para diumano’y mapawi ang kahirapan kagaya ng CCT o 4Ps, GIDA at ngayon ay Unconditional Cash Transfer (UCT), Pantawid Pasada Program na inuubos ang panahon ng mga benepisyaryo/mamamayan sa pagpapabalik-balik sa mga opisina para sa pagkukumpleto ng mga papeles at rekisitos kapalit ang kakarampot na buwanang ‘sweldo’, higit pa rito ang lilikhaing red tape at abalang dadanasin ng mamamayan sa ilalim ng RCSP. Alam natin kung gaano katalamak ang katiwalian at korapsyon sa lahat ng antas ng reaksyunaryong gubyerno.
Maging ang implementasyon ng mga PPA at pagdadala ng mga batayang serbisyo sa mga komunidad tulad ng mga serbisyo caravan, mga seminar, kampanyang impormasyon at iba pa ay isang mahabang ikid ng mga burukratikong proseso, ningas-kogon, pakitang-tao at panakip-butas na mga programa at proyekto.
12. Ano ang papel at responsibilidad ng mga LGUs, LCE at iba pa?
Inilinaw sa Memorandum Circular ng DILG ang mga papel at responsibilidad ng mga LGU at ng mga LCE sa pagpapatupad ng RCSP—mula sa antas ng probinsya/gubernador tungong syudad/municipal/mayor hanggang barangay/punong barangay. Inilinaw din ang papel at mga tungkulin ng mga personnel ng DILG mula Direktor sa Rehiyon hanggang munisipalidad/syudad na mga City/Municipal Local Government Operations Officer (C/MLGOOs).
Kapansin-pansin na sa plano sa implementasyon ay napakaraming mga suson ng organisasyon na dadaanan at pakikitunguhan na nagpapakita ng pag-iral ng burukratikong sistema mula sa pambansang opisina hanggang sa barangay. Napakalaki at napakabigat din ng papel at responsibilidad na iniaatang sa LCE na siyang tatayong pinuno ng RCSP. Sa kalagayang nariyan ang PLEDS, lalabas na ang pusisyon ng sibilyan sa katauhan ng LCE ay magiging nominal lamang at magsisilbing tau-tauhan sila ng mga militar sa implementasyon ng RCSP. Ito ang esensya na isang sibilyan-militar na junta na nilulukuban ng huli.
13. Saan magmumula ang badyet at pondo para sa RCSP at mga programa nito?
Ang pondo at badget ng RCSP ay pangunahing magmumula sa mga LGU na may minimal na suporta mula sa NGA. Dagdag na gastusin at pabigat ito sa mga LGU na limitado ang mga rekurso para tugunan ang pangangailangan ng nasasakupan. Kung ngayon nga, kulang pa ang mga IRA (Internal Revenue Allotment) at kita ng LGU para sa operation, calamity fund at iba pa, paano na kung idagdag pa sa popondohan ang RCSP?
Pampalubag-loob na kung ang DILG ay maglalabas ng pondo para magamit at para sa iba pang gastos sa operasyon sa RCSP bilang suporta sa LGUs. Bukod doon, ang DILG Regional Director ang may kapangyarihan sa alokasyon ng pondo para sa mga sinaklaw na barangay.
14. Ano ang dapat gawin kaugnay ng EO 70 whole-of-nation approach at RCSP?
1. Dapat na malawakang talakayin sa pinakamalawak na hanay ng mamamayan partikular sa hanay ng baseng masa sa kanayunan at kalunsuran ang anti-mamamayan at anti-demokratikong layunin at nilalaman ng EO 70, whole-of-nation approach at Retooled Community Support Program (RCSP). Malawakang ipalaganap at pag-aralan ang praymer na ito at gamiting sanggunian sa mga ilalabas na pamamahayag sa publiko. Edukahin ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan para hubaran ng mga palamuti at maka-mahirap na pagpapanggap ang EO 70, whole-of-nation approach at RCSP.
2. Pukawin, organisahin at pakilusin ang pinakamaraming bilang ng mamamayan para ilantad at tutulan ang EO 70 at RCSP. Gamitin ang lahat ng nakabukas na daluyan at pagkakataon para imulat ang masa at isulong ang lehitimo nilang laban para sa pagpapabuti ng kalagayang pang-ekonomiya at kagalingang panlipunan.
3. Gumawa ng iba’t ibang pagkilos upang biguin ang bawat pakana ng AFP na bitagin at pwersahin ang mga sibilyang ahensya at lokal na gubyerno sa iskemang kontra-insurhensya ng rehimeng Duterte. Ilantad ang mga pekeng pagpapasuko na may layuning lumikha ng ilusyong nagwawagi ang rehimeng US-Duterte sa kanilang kampanyang kontra-rebolusyonaryo.
4. Matalino at mapanlikhang gamitin ang rebolusyonaryong dalawahang taktika at patakaran sa nagkakaisang prente at alyansa upang kabigin o inyutralisa ang mga opisyal ng lokal na burukrasya’t mga lokal na ahensya at civil society na di palaban at nagbubukas ng pakikipagkaibigan sa rebolusyonaryong kilusan at ihiwalay ang mga sagad-saring anti-Komunista’t kontra-rebolusyonaryo na masugid na lumalaban sa rebolusyonaryong kilusan at pumipinsala sa interes ng masa.
5. Mapanlikhang pakitunguhan ang mga kontra-organisasyon na binubuo ng RCSP sa hanay ng masa. Ilantad ang kahungkagan ng mga pangako ng kaaway na itaguyod ang kapakanan at batayang interes ng masa sa pamamagitan ng paggamit ng mga taktikang engagement at kilusang masa.
6. Maging aktibo sa labanang ngipin-sa-ngiping propaganda upang ilantad ang mga kasinungalingan at lasong ikinakalat ng kaaway laban sa rebolusyonaryong kilusan at sa lehitimong pakikibaka ng masa para sa mga saligang demokratikong karapatan sa ekonomiya, pulitika at sibil.
Maglalabas ang kinauukulang namumunong komite ng Partido sa rehiyon ng hiwalay at mas malawig na mga karagdagang paglilinaw sa mga kagyat na tungkulin ng kilusan sa larangan ng armadong pakikibaka, rebolusyonaryong kilusang masa at gawain sa nagkakaisang prente upang gabayan ang iba’t ibang bahagi ng kilusan sa pagbubuo ng angkop na mga pamamaraan at linya ng taktika upang labanan at biguin ang Oplan Kapanatagan, EO 70 at whole-of-nation approach ng rehimeng US-Duterte.
Biguin ang National Task Force-ELCAC at JCP Kapanatagan ng rehimeng US-Duterte!
Ilantad, papurulin, at biguin ang talab ng RCSP!
AFP-PNP-CAFGU, palayasin sa baryo!
Ibagsak ang pasistang rehimeng US-Duterte!
https://cpp.ph/statement/praymer-eo-70-at-rcsp-paano-ito-lalabanan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.