Sunday, November 24, 2019

Kalinaw News: Pampamayanang Mangyan Ugnayan Inc. (PMUI) nanguna sa Convergence Caravan

Posted to Kalinaw News (Nov 24, 2019): Pampamayanang Mangyan Ugnayan Inc. (PMUI) nanguna sa Convergence Caravan


Mansalay, Oriental Mindoro- Matagumpay na nagsagawa ng Convergence Caravan ang Municipal Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) ng Mansalay kasama ang 4th Infantry Battalion sa tulong ng Pampamayanang Mangyan Ugnayan Inc. (PMUI) sa Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro nito lamang Nobyembre 21 taong kasalukuyan.

Ang Convergence Caravan ay isang aktibidad na kung saan ay nagtutulong-tulong ang lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang ibat-ibang Non-Government Organizations (NGOs) upang maiparating ang mga ibat-ibang klaseng serbisyo sa ating mga kababayan.

Sa pakikipagtulungan ng Mansalay MTF ELCAC sa pangununa ni Mayor Ferdinand “Totoy” Maliwanag at ng Pampamayanang Mangyan Ugnayan Inc. (PMUI) sa pangunguna ni Ms Juvilyn Villanueva Gulmaid kasama ang PMU Sweden sa pangunguna ni Josefin Egerlid Yeboah, Junior Chambers International (JCI) San Juan Dambana katuwang ang ibat bang ahensya tulad ng Philippine Statistics Authority, Municipal Registrar, PhilHealth, Municipal Agriculture, Municipal Disaster Risk Reduction Management, Municipal Social Welfare and Development, Mansalay Municipal Police Station, RMFB PNP, 2nd Cavalry Battalion, Phil Army at ang 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pamumuno ni LtC Alexander Arbolado ay matagumpay na naihatid ang mga pangunahing serbisyo tulad ng medical check-up, libreng gamot, PhilHealth at Birth Certificate registration, pagbigay ng school supplies, hygiene kits, toys, relief goods at spoon program na natanggap ng pitong daan walumpu’t limang (785) benepisaryo ng nasabing barangay.

Lubos ang pasasalamat ng pamayanan ng Brgy Panaytayan sa pangunguna ni Kapitan Onyo Intsik sa mga serbisyong kanilang natanggap mula sa PMUI at Manasalay MTF ELCAC.

Ayon kay Mayor Ferdinand “Totoy” Maliwanag, ang lahat ng ahensya ng local na pamahalaan ng Mansalay ay laging handang magserbisyo sa mga mamamayan para sa ikauunlad ng bayan at makamit ang pangmatagalang kapayapaan. Isa lang ang aktibidad na ito sa marami pang programa na ihahatid sa ilalim ng MTF ELCAC Mansalay upang mapaabot ang mga serbisyo ng gobyerno sa lahat lalo na sa mga katutubo at tuluyang matapos ang insurhensiya sa ating bansa.

Ayon naman kay Brigadier General Antonio Lastimado pinuno ng 203rd Infantry Brigade ang Brgy Panaytayan ay isa sa mga Convergence areas kung saan pinagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan at ng Probinsya ng Oriental Mindoro. Dagdag pa aniya na ang mga gawaing ito ay napailalim sa diriktiba ng ating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng Executive Order Nr 70 na pinapalakas ang Whole of Nation Approach upang makamtan ang pangmatgalang kapayapaan at kaunlaran ng sa ganunay matuldukan na ang problemang insurhensiya dulot ng teroristang CPP-NPA-NDF sa ating bansa.







Source: 4th Infantry Battalion 

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.
Contact us: contact@kalinawnews.com]

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.