PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

SEPTEMBER 26, 2019
Pinatunayan ni Oscar Albayalde, hepe ng PNP, ang pasistang kultura at indoktrinasyon ng AFP-PNP sa PMA nang aminin niyang siya mismo ay dumaan sa hazing. Baluktot niya pang ikinatwirang naging bahagi ito ng kanilang paghuhubog ng pagkatao bilang kadete ng PMA para paunlarin ang kani-kanilang mga sarili.
Inilalanted mismo ng mga pahayag ng AFP-PNP ang tunay nitong pasista at mersenaryong tradisyon tulad ng baluktot na pangangatwiran ni Albayalde. Pinapakita lalo nito kung paano hinuhubog ang pasistang ideolohiya at doktrina ng karahasan ng mersenaryong AFP at PNP. Gaano man ang gawing pagpapabango ng sarili, pilit na lalabas ang nakakasulasok na kabulukan at pagiging anti-demokratiko ng institusyong militar at pulisya.
Malaon nang batid ng mamamayan ang mga krimen at kalupitan ng AFP-PNP hindi lamang sa kapwa nila sundalo at pulis kundi sa mamamayan tuwing naglulunsad ito ng mga operasyong militar sa kanayunan at saturation drive sa mga maralitang komunidad sa ngalan ng kampanyang anti-droga. Kaya nagsasayang lamang ng laway si Albayalde at ang kanilang mga tagapagsalita na pawang hindi na magkandaugaga sa paglulubid ng kasinungalingan.
Kahit mapanagot ang mga nagkasala sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio at magbitiw ang mga matataas na upisyal na responsable sa naging trahedya ni Dormitorio, hindi malilinis ng AFP ang imahen nitong nakabatay sa karahasan. Hindi matatakasan ng AFP at PNP ang multo ng patung-patong na krimen nito sa mamamayan dahil bulok-sa-kaibuturan ang institusyon ng militar at pulis.
Hindi na kinakailangang ipasailalim sa hazing at marahas na pagsasanay at indoktrinasyon ang sinumang nagnanais na ipagtanggol ang bayan. Ang tunay na mga makabayan at patriyotiko ay yaong mga nagsusulong ng mga demokratikong kahilingan ng bayan at nagtatanggol sa interes ng mga inaapi—mga katangian na minahal ng mga inaapi’t pinasasamantalahan sa NPA—at angkinin nilang sarili hukbo.
Ang pagiging anti-mamamayan at anti-demokratiko mismo ng AFP ang nagtulak kay Lt. Crispin Tagamolila upang talikuran ang pagseserbisyo sa militar at umanib sa NPA noong 1970. Sa ilang taon lamang ng pagiging miyembro ng AFP, narealisa nya na “ang AFP ay pangunahing instrumento ng panunupil sa makatarungang pagtutol ng naghihirap na mamamayan.” Nasaksihan nya kung papaano tinatratong utusan ng mga upisyal ng army ang mga karaniwang sundalo at ang pag-iral ng malaganap na “palakasan” at ng “sistemang patron.” Saksi mismo si Kas. Crispin Tagamolila kung papaano kinokontrol ng US ang AFP, kung paano binulok ni Marcos ang militar at pulis para tiyakin ang personal na katapatan ng mga ito sa kanya, at ipinag-utos ang paglipol sa mga aktibista ng mga military intelligence unit at liquidation squads.
Ang kabulukan ng institusyon ng AFP at pulis na nagtulak kay Lt. Crispin Tagamolila na umanib sa NPA ay nagpapatuloy at higit pang sumasahol sa ilalim ni Duterte. Kaya kahit ano pang gawing ng AFP at PNP na pagbali-baligtarin ang katutuhanan at pagmukhaing totoo ang mga kasinungalingan para sirain ang NPA sa mata ng mahihirap ay mauuwi lamang sa kabiguan.
Ang NPA ay may mayamang tradisyon ng taos-pusong pagmamahal at paglilingkod sa bayan. Isinusulong nito ang pambansa-demokratikong rebolusyon upang maibagsak ang kasalukuyang bulok at pasistang rehimeng US-Duterte. At sa pagbagsak nito, tinatanaw natin sa hinaharap ang pagtatayo ng isang sosyalistang lipunang papawi sa lahat ng makauring pagsasa
https://cpp.ph/statement/pagtatanggol-ni-albayalde-sa-hazing-ng-pma-utak-pasista/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.