BUTUAN CITY, Agosto 8 (PIA) – Sunod-sunod na ang pagdeklara bilang persona non-grata sa teroristang grupong CPP-NPA-NDF sa iba't-ibang lugar ng Agusan del Norte kasunod ng mga ginawang panggugulo ng grupo sa ilang mga komunidad.
Una ng nagdeklara ang bayan ng Nasipit dahil sa mga hindi makatao at teroristang gawain nito.
Sumunod dito ang bayan ng Buenavista na pinangunahan ni Mayor Norberto Pagaspas na layuning tuldukan ang kanilang mga masasamang gawain sa kanilang lugar para maihatid ang basic health and social services at livelihood sa mga lugar na apektado ng insurgencies kagaya ng mga barangay ng Sangay, Olave, Simbalan at Guinabsan.

Positibo si Mayor Pagaspas na magkakaroon ng mapayapa at masaganang bayan kung tuluyang mahinto ang mga gawaing terrosista at paglilinlang ng mga ito, at sa pagkakaroon ng magandang road networks ang kanilang bayan.
Ayon kay Lieutenant Colonel Francisco Molina Jr,, Commanding Officer ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army, na unti-unti ng bumababa ang bilang ng mga NPA sa lugar at wala na ring namonitor na recruitment activities sa lugar.

Mula Enero hanggang Hulyo sa kasalukuyang taon may 27 former rebels at myembro ng Militia ng Bayan ang kasalukuyang nasa Masigasig Happy Homes sa ilalim ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.
Suportado naman ng mga indigenous peoples sa pangunguna ni Datu Manlig-unan Rolando Lanapan, ang Indigenous Peoples Mandatory representative at siya na ring author ng resolution upang edeklarang persona non grata ang CPP-NPA-DNF sa bayan ng Buenavista.
Samantala, inaanyayahan din ni Lt. Col. Molina ang mga rebelde na bumalik na sa gobyerno upang magkaroon ng mapayapa at tahimik na pamumuhay. (NCLM/PIA Agusan del Norte)
https://pia.gov.ph/news/articles/1025721

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.