Monday, July 15, 2019

Tagalog News: EO 70 isusulong sa Caraga

From the Philippine Information Agency (Jul 15, 2019): Tagalog News: EO 70 isusulong sa Caraga 


LUNGSOD NG BUTUAN -- Sa pangunguna ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), nagtipon-tipon ang ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na bumubuo sa Regional Task Force - Ending Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), para talakayin ang mga gagawing hakbang upang mas mapalawak at mapaigting pa ang implementasyon ng Executive Order No. 70 o “whole of nation approach” sa pagsugpo ng insurgency sa Caraga region.

Ayon kay Director Manuel Orduña ng NICA, kailangang magkaisa ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagtukoy sa mga pangunahing isyung kinakaharap ng bawat komunidad nang mabigyang solusyon ang mga ito at pagplanohang mabuti ang mga gagawing hakbang na makatutulong sa mga Caraganons sa pagkamit ng inaasam nitong kapayapaan at sustainable development.

Pagtitibayin pa ng task force ang mga lugar na kabilang sa Peace and Development Zones ng rehiyon, maging ang mga programa't serbisyo na binibigay sa mga residente nito. Bibigyan din ng tuon ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Indigenous Peoples (IPs) na siyang direktang naaapektuhan ng mga kaguluhang dinudulot ng New People's Army.



Ibinahagi naman ni Capt. Aldim Viernes, Civil Military Operations officer ng 401st Brigade, Philippine Army, marami na rin silang engagements kasama ang IPs.

Magandang paraan din aniya ang pagsagawa ng Community Support Program upang maihatid ang mga programang naaayon sa mga residenteng nasa liblib na lugar, at maipaabot sa kinauukulang ahensiya ang mga problema't hinaing ng komunidad na kailangang matugunan agad.

Pagdating naman sa larangan ng komunikasyon, binigyang-diin ni Capt. Viernes na mas pagbubutihin pa nila ang kanilang kasanayan sa pagamit ng social media at iba pang platform sa paghahatid ng balita sa mga ginagawang hakbang o aktibidad ng kanilang hanay kasama ang ibang ahensiya sa Task Force at malaman ito ng publiko nang hindi sila malinlang sa mga maling impormasyong ipinakakalat ng mga komunistang grupo. (JPG/PIA-Caraga)

https://pia.gov.ph/news/articles/1024514

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.